“Doc, anong ibig mong sabihin?” Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Sa araw na ito ay halos puro na lang kaba ang nakukuha niya. “Linawin mo, Doc. Gusto ko, ‘yung sa paraang naiintindihan ko.”“Mr. Garcia, hindi mo kailangang maging masyadong tensyonado.” Habang binubuklat ni Dr. Cases ang medical report ni Natalie na nasa desk niya bago siya nagpatuloy, “base sa resulta, parehong nasa maayos na kondisyon si Mrs. Garcia at ang sanggol. Epektibo ang mga nutritional IVs, at ang paglaki ng bata ay tama sa kanyang gestational age ngayon. Kung noon pa sana niya ito naumpisahan, matagal na sanang maganda ang takbo ng pagbubuntis niya.”Inilihim ni Natalie ang nutritional IV niya sa kanya dahil sa pag-aakala nito na wala siyang magiging pakialam. Ngunit, nakaraan na ‘yon. Hindi na nila maibabalik pa ang mga nasayang na panahon. Ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kasalukuyan.Bahagyang tinaas ni Mateo ang isang kila
Last Updated : 2025-07-30 Read more