Tumango si Mateo. “May mga tao akong nag-uulat mula roon. Pero sa ngayon, wala pang kahit anong galaw mula sa kanila.”“Malamang abala sila sa sarili nilang mga problema,” sagot ni Antonio, tila bahagyang nakahinga ng maluwag. “Sana tuloy-tuloy na ang pananahimik nila.”Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Natalie. “Lolo, nakausap ko na si Dr. Tolentino, nakatakda na ang petsa ng operasyon. Sa Biyernes na, at ikaw lang ang pasyente sa araw na iyon. Si Dr. Tolentino ang mismong mangunguna sa operasyon, at ako ang magiging assistant niya. Lolo, sasamahan kita sa buong proseso.”“Magandang balita nga ‘yan.” Napangiti ng malapad ang matanda dahil sa narinig. “Kung nasa tabi ko ang paborito kong daughter-in-law, ano pa ang dapat kong ikatakot?”“Lolo, ako lang naman po ang daughter-in-law niyo.” Natatawang palatak ni Natalie.Matapos pag-usapan ang mga detalye ng operasyon, naunang umalis si Mateo para bumalik sa kumpanya. Naiwan muna si Natalie para makipagkwentuhan pa kay Antonio
Huling Na-update : 2025-08-25 Magbasa pa