Tahimik na nakatingin lang si Isaac kay Mateo, bakas sa mukha nito ang lalim ng pag-iisip. Kung si Isaac ang tatanungin, ayaw niyang mapunta sa sitwasyon ng boss niya ngayon—iniisip pa lang niya, sumasakit na ang ulo niya.Patuloy na bumibilis ang takbo ng sasakyan. Nasa highway na sila.“Nasaan ba kasi si Alex?” Mariing tanong ni Mateo, ang panga niya ay mahigpit na nakasara.Alam na agad ni Isaac kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya naman, mabilis niyang tinawagan si Alex. Ilang beses pa niyang inulit—pero—walang sumasagot. Ngayon, ay hindi niya alam kung paano sasabihin sa boss niya ‘yon. Sa huli, tinapangan na lang niya dahil kailangang malaman nito ang totoong lagay ng sitwasyon.“Sir, naka-off ang phone ni Alex!”Tunay ngang mas lumala pa ang sitwasyon.Ibig sabihin, si Alex mismo ay maaaring nasa panganib rin. Sa pinakamabuting sitwasyon at kung sinuswerte, kasama pa rin niya si Natalie at magkasama silang nadukot. Pero sa pinakamasamang sitwasyon? Magkahiwalay sila.At kung
Last Updated : 2025-09-02 Read more