MasukNapakapit si Raine sa hawakan na malapit sa kanyang ulohan. Napalunok siya. Tahimik na pinagmasdan niya ang ginagawa ni Crassus.Pinagpawisan na ng maglagkit ang kamay ni Raine. Dinumbol ng kaba ang kanyang puso. Lalo na at pansin niya ang pagiging tahimik ni Crassus.Sa kakahanap nito ng paraan para masalisihan ang mga humahabol sa kanila ay napadpad na sila sa may matalahib at masukal na kagubatan. Ito iyong shortcut na daan papuntang sentro. Bihira lang si Crassus na dumadaan dito dahil hindi nito tipo ang rota'ng ito. Masyado kasi'ng tahimik. Wala rin masyadong madadaanan na mga bahay dahil puro kahoy ang nakapalibot. Hindi katulad nang nasa kabila na urbanisado at maraming nakahilera na mga village. Muling tinapakan ni Crassus ang silinyador ng kotse. Umangil ang makina ng sasakyan. Napasinghap si Raine."Crassus..." sambit ni Raine. "May ideya ka ba kung sino sila?" tanong niya sabay titig kay Crasssus."No," he answered shortly, his eyes are still fixed on the r
"Tina...."Nasa bukana sila ng mansion. Papauwi na sina Raine at Crassus kaya nasa labas sila Lolo Faustino. Pati na ang dalawang bagong kasambahay na kinuha ni Crassus. Nakahilera ang mga ito sa likod ni Lolo Faustino at bahagyang nakayuko.Tinalungan ni Mang Timo si Crassus na ipasok ang mga bagahi sa trunk ng kotse. Kaya nagkaroon ng pagkakataon si Lolo Faustino para kausapin si Raine.Napalingon si Raine nang tinawag ni Lolo Faustino ang kanyang pangalan. Bahagya siyang ngumiti."Lolo," tugon ni Raine. Nilapitan niya ito at saka nagmano. "Aalis na po kami. Bibisita po ako rito kapag may bakante akong oras.""It's okay, Tina. I understand, " he smiled weakly. "Pwede rin naman ako bumisita sa inyo.""Sige po," magalang na sagot ni Raine. "Ingat ka po rito, huh, Lolo? Iyong meds mo po,"muli niyang bilin.Grandpa Faustino chuckled. "Okay, Tina."Lumapit si Lolo Faustino kay Raine at pagkunwa'y bumulong."Don't forget about our conversation yesterday," he whispered. "Tell me if someth
Hindi makatugon si Raine kay Crassus. Ramdam niya ang emosiyon nito sa bawat bigkas ng mga salita. Puno iyon ng galit at pait. Kahit ang mga mata nito ay tulirong nakatitig sa sahig, at paminsan-minsan ay nakikita niyang kumukuyom ang mga kamay nito. "Baka may malalim siya na dahilan kaya niya nagawa iyon. Alam ko na galit ka talaga, pero sana ay huwag ka masyadong magpadala sa nararamdaman mo," payo pa ni Raine. "Kunsabagay, wala ako sa kinalalagyan mo ngayon. Masakit din naman talaga ang ginawa niya. Pero kasi, Daddy mo pa rin yon. Wala ka sa mundong ito kung wala rin siya." "Tch! He should have thought of that before he left," Crassus said dryly. "Do you think it's a wise decision to trick his family just because he's ashamed? The audacity. Dahil sa ginawa niya—" Naglapat ng mariin ang labi ni Crassus. "I'll never forget what he did." Napabuntonghinghinga si Raine. "Ano ng gagawin mo?" "None. If he has some guts to show his face here then I don't gave a fûck. I'll w
Tahimik na nakaupo sa bench sina Raine at Crassus. Nakakabingi ang katahimikan na nasa pagitan nila. Kanina pa pinakiramdaman ni Raine si Crassus. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito kumikibo. Hinayaan lang niya ito. Alam niyang mabigat ang pinagdaanan nito. Kaya pinagkasya lamang niya ang sarili sa pagtitig sa mga capiz lantern na nakasabit sa mga sanga ng punong mangga.Napatingala si Raine. Sa hindi inaasahan ay nahagip ng paningin niya ang madilim na kalangitan. "Ang daming stars," komento ni Raine habang nakatitig sa langit.Napalingon si Crassus kay Raine. Nang makita niyang nakatitig ito sa langit ay napatingala rin siya."Yeah," Crassus murmured as he stare intently at the sky. Sumulyap si Raine Kay Crassus. "Sabi nila, kung darating daw ang pagkakataon na nahihirapan ka o nalulungkot— tumingala ka lang daw at tumitig sa mga bituin. Nang sa ganoon ay maunawaan mo kung ano ang purpose nila. Na kung bakit malayo sila sa kinaroroonan mo."Crassus eyebrows
"He's not dead, Tina."Nagimbal si Raine sa narinig. Natulala siya. Walang lumabas na salita sa bibig niya.Napakurap siya habang dahan-dahan na tumango. "H-hindi patay?" patanong niyang usal. "Iyong Papa ni...."Muling napahinto si Raine. Hindi makuhang idugtong ng tuluyan ang kanyang sasabihin sa labis na pagkagulat.Bumuntonghininga si Lolo Faustino. "Kaya ako may contact sa kanya dahil alam ko na simula't sapol ay hindi siya patay, Tina.""P-pero..." Lumunok si Raine. "P-paanong nangyari 'yon? H-hindi ba, nagpakamatay ang mama ni Crassus dahil...""It's a long story, Tina," Grandpa Faustino cut her of. "He faked his death."Pabagsak na napasandal si Raine sa sofa. Natulala siya habang pinuproseso ng utak niya ang kanyang nalaman."P-pineke niya ang..." Sandaling huminto si Raine.. "Bakit? Ano'ng naisip niya?" Hindi mapigilang tanong niya. "Hindi man lang niya naisip kung ano ang magiging kalabasan no'n?"Napapikit si Lolo Faustino. "Hindi ko rin alam kung ano'ng pumasok sa kukute
"Nak..." Napalingon si Raine sa kanyang mama nang tinawag siya nito. Lumapit ito sa kanya. Tumabi ito sa inupuan niya na couch. Nasa living room si Raine. Dala niya ang kanyang libro habang tumatambay sa sala. Nilapag ni Raine ang hawak na libro. Binalingan niya ang kanyang ina. "Bakit po, mama?" takqng tanong ni Raine. "May problema po ba?"Bumuntonghininga si Roberta. Inayos niya ang bangs ni Raine bago siya nagsalita."Aalis na ako, nak," paalam ni Roberta habang nakatitig sa kanyang anak."Huh?" gulat na usal ni Raine. "Ngayon na?"Tumango si Roberta. "Pasensiya na nak, pero kailangan ko ng umuwi. Ngayon din kasi ang araw na uuwi ako sa probinsiya.""Pupunta po pala kayo ng probinsiya pero bakit ngayon mo lang binanggit sa akin, Mama," ani ni Raine na bahagyang nagtatampo pa. "Hindi po ako makakasama. Talagang sinadya mo talaga na ngayon magpaalam para hindi ako makatutol nu?"Ngumiti si Roberta. "Alam ko kasi na hindi ka papayag. Kaya ko naman na. Saka ayaw ko talaga na







