Keilys POVMAINIT ang simoy ng hangin sa probinsya ngayong hapon. Pero, tahimik at payapa. Malayong-malayo sa Manila na sobrang gulo. Dito, wala ang alingawngaw ng mga flash ng camera, wala ang mga usapan ng mga reporter, at higit sa lahat, wala ang mga matang nanunuri sa bawat kilos ko. Dito sa villa sa probinsya, pakiramdam ko may kalayaan akong huminga.Pero hindi ko rin maiwasang mainip.Ilang araw palang ako rito, at kahit masarap ang katahimikang mayroon dito, parang may kulang. Pakiramdam ko, unti-unti akong kinakain ng boredom.Kaya’t habang nakahiga ako sa hammock sa garden, kinuha ko ang phone ko at tinawagan sina Toph, Jake, at Ryle.Nang sinagot nila ang tawag, agad akong natawa sa boses pa lang ni Toph.“Yo, boy sạlsal! Ano na? Buhay ka pa ba sa bundok?”Ngumisi ako habang nakatingin sa mga ulap. “Gago, pati ba naman ikaw, hindi pa rin maka-move on,” nairita pa ako nung una kasi ganoon pa talaga ang bungad niya.“Ito naman, hindi mabiro,” sabi niya, “sorry na, ano, kumus
Last Updated : 2025-07-01 Read more