Ilaria POVHindi ko na siya ni-reply-an pagkatapos ng huling message niya. Nakakahiya, kahit pala lasing na lasing siya nun, natandaan pala niya ‘yung sinabi kong kasing pula ng presa ang ulo ng ano niya. Ihhhh, nakakahiya talaga!Umalis na ako sa bahay. Anong oras na rin kasi. Hawak-hawak ko ang sling bag kong may lamang pitaka, eco bag, at phone. Kanina pa kasi ako nakakarinig sa labas ng bahay namin na may bagong bagsak na fresh Baguio strawberries sa palengke ngayong hapon. Nung marinig ko ‘yun, bigla kong inalok sa text message si Sir Keilys.Ang totoo, sinasakyan ko lang din siya sa mga biro niya, pero hindi ko inaasahang natatandaan niya ang gabing ‘yun. Nangako rin na ako na uuwian ko siya ng mga presa, kaya eto ako ngayon, naka-tsinelas, nakaputing blouse at paldang maong, naka-face mask pa rin dahil ayoko ng alikabok, ganoon kasi palagi sa palengke. Kapag ganito, handa na akongg makipagbuno sa mga tindera sa palengke. Sana talaga sa susunod, ipag-semento na ni Mayor ang pal
Last Updated : 2025-07-09 Read more