Narinig lahat ni Xavi ang komprontasyon ng dalawa at mukhang masama nga ugali ni Maica kay Faith na siyang hindi niya nagustuhan. Dati na niyang alam na masama ang ugali ni Maica pero hindi niya ito inintindi dahil wala naman siyang pakialam sa dalaga kahit nagpapasarin ang ama nito na kung pwede si Maica nalang ang pakasalan .Binalaan na niya ang kanyang ama na hanggat maari huwag siyang igaya sa dalawa niyang kapatid dahil siya may sariling paninidigan at puso .Gusto niyang kilalanin ang babaeng mamahalin niya mahirap man ito o pangit basta maganda ang loob at may pagpapahalaga sa lahat ng bagay . ''saan pala tayo pupunta ?" kanina pa naguguluhan si Faith .Kung hindi sana dumating si Xavi baka nasampal niya rin si Maica pag dumapo ang palad nito sa knyang mukha pero dahil dumating si Xavi hindi man lang niya iyon nagawa dahil sa biglang sulpot ni Xavi . ''wala sinabi ko lang iyon para sumama ka '' nagulat si Faith sa sagot nito bakit kailangan pang gawin iyon mas lalong maiinis
Last Updated : 2025-09-03 Read more