Pagkarinig sa sinabi ni Mr. Fowler, hindi naiwasang mapahinto ni Brandon. Bahagyang nanikip ang kaniyang dibdib, ngunit mabilis din niya iyong ikinubli. Sa gilid naman, hindi napigilang mapangiti si Marga at umiling-iling sa ginawa ng matanda. Bago pa man niya mabuksan ang kaniyang bibig upang sumagot, maagap na nagsalita si Marga, marahang itinaas ang tingin sa lolo ni Brandon.“Lolo, may trabaho pa po ako bukas na kailangan kong tapusin,” mahina ngunit mahinahong sambit niya.Hindi nakalagpas sa paningin ni Marga ang biglang pagdilim ng ekspresyon sa mga mata ni Brandon. Isang malamig na utos ang sumunod, kasabay ng pagpipigil sa kaniyang sariling emosyon.“Don’t go to work tomorrow. I’ll take you to Greenbelt. You need new clothes,” maikling saad ni Brandon, na para bang ang bawat salita ay sinadyang timbangin bago bitawan.Alam ng lahat na ang Greenbelt ang tinitingalang shopping destination ng mga mayayaman sa bansa — tahanan ng mga international luxury brands, kung saan ang bawa
ปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-07 อ่านเพิ่มเติม