“Masakit, pero masaya. Parang ang tagal naming nangulila sa isa’t isa, pero kahit saglit lang ‘yung pagkikita… parang sapat na.”“Hindi pa huli ang lahat,” sabat ni Mia, seryoso na ang tono. “Alam mo ‘yan.”“Alam ko,” sagot ni Apple, sabay yakap sa sarili niyang mga braso. “At gusto kong bumawi, hindi lang para sa kanya, kundi para sa sarili ko rin.”Tahimik na sandali. Saka biglang sumigaw si Amara.“Mommy, Daddy, picture tayo! Kasama si baby Lucien!”Nagkatinginan sina Apple at Lance. Pareho silang napangiti.“Sige,” ani Lance, habang kinukuha ang cellphone sa bulsa. “Family photo tayo.”Lumapit silang lahat sa sofa. Si Amara ay sa gitna, hawak si Lucien, habang nasa magkabilang gilid niya sina Apple at Lance. Si Mia naman ang kumuha ng litrato.“One, two, three—say cheese!” sigaw ni Mia.“Cheeeeese!” sabay-sabay na sagot ng lahat—puno ng tawanan, ng aliw, at ng pag-asang ito na nga ang simula ng isang masayang tahanan."Ninang, may pasalubong kami, yung paborito mo na marang, nadaa
Huling Na-update : 2025-06-22 Magbasa pa