Sa ilalim ng papalubog na araw, nanatiling nakatayo si Madam Luisa sa may puno ng mangga, habang unti-unting lumalayo si Cherry kasama ang tatlong anak—mga batang inosente, pero dala ang bigat ng kasaysayang hindi nila hiniling.Tahimik lang siyang nakamasid habang masayang kumakaway ang mga bata."La, Daddy, Miguel… alis na kami," sigaw ni Mikee, habang buhat ni Cherry si Mike na medyo antok na."Laro tayo next time, Miguel! Mamimiss ka namin!" sigaw naman ni Mikaela habang kumakaway sa nakatinging si Miguel.Napatakbo si Miguel papunta sa dulo ng garden, sumigaw ng,"Bye, Ate! Kuya! Bye, Mama Cherry!"Sandaling napatingin si Cherry kay Miguel—‘yong tingin na may pananabik, may sakit, pero higit sa lahat… may pagmamahal.Ngumiti siya, pilit na hindi ipinapakita ang pighati. "Ingat ka, Miguel…"Tapos hinalikan niya sa noo ang tatlo niyang anak at hinawakan ang kanilang kamay.Tahimik silang lumakad paalis.Sa Loob ng Bahay – Pagpasok ni JalPagpasok ni Jal sa sala, nadatnan niya si Ma
Terakhir Diperbarui : 2025-06-17 Baca selengkapnya