"Papa, Mama, pwede po ba kayong pumunta sa parents meeting sa school? Sabi po kasi ni Teacher ay kailangan niyo po na pumunta," mahina at kinakabahan na saad ni Melissa.Nagkatinginan kaming dalawang mag-asawa. Yes, kasal na kaming dalawa ni Zaraya. It's been two years since we got married. Kaagad akong lumapit kay Melissa at binuhat siya. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi. "Bakit naman hindi, anak? Dapat ay nandoon kaming dalawa ng mommy para sa parents meeting."I looked at my wife when she reached for my hand. She smiled at both of us. Kinurot niya ang pisngi ni Melissa, masuyong tinitingnan ito."Baby ikaw talaga. I already told you na kapag may events sa school ay pupunta kami ng Papa mo. Hindi pwedeng wala kami, dapat nandoon kami to support you."Paunti-unti ay napalapit na sa amin si Melissa, she is so considerate. Minsan ay may events sa school na ayaw niyang sabihin dahil busy daw kami. That's why I told her teacher na kapag kai
Last Updated : 2025-09-03 Read more