JILLIAN SANTILLAN POV Kanina pa ako hindi mapalagay. Tulog na itong si Moira Kristina, pero ako heto dilat na dilat pa rin. Paano ba naman kasi, kanina ko pa napapansin na nasa labas pa rin ng verandah si Kuya Ralph Alexander at wala yatang balak na pumasok dito sa loob ng kwarto Mukhang hindi siguro talaga natutuwa dahil bigla na lang kaming naki-share ni Moira Krisitina ng silid dito Haysst, dapat kina Mommy at Daddy na lang ako naki share eh. Kung hindi ko lang talaga na miss ang maligo sa dagat, nungka talagang sumama ako dito kay Moira Kristina. Alam kong noon pa man, mainit na ang dugo sa akin ng kakambal nitong si Kuya Ralph. Ewan ko ba, sa lahat nag magpipinsan ng aming angkan, feeling ko ayaw ni Kuya Ralph sa akin? Yes, noon pa man, napapansin ko na iyun. Kasundo ko lahat ng mga pinsan at mga pamangkin ko pero si Ralph, ayaw yata sa akin eh. Halata kasing kapag nasa paligid lang ako, umiiwas ito sa akin Noong una, iniisip ko lang na baka normal lang sa kanya iyun
Last Updated : 2026-01-17 Read more