JILLIAN SANTILLAN POV AKALA ko, walang epekto sa katawan ang magpaka-basa sa ulan pero nagkamali ako. Kakatapos ko lang maligo gamit ang warm water at magpatuyo ng buhok nang bigla na lang akong nakaramdam ng pag-iinit ng temperatura sa aking katawan. Hatsing na din ako nang hatsing kaya naman alam kong hindi ako okay. "Tsk, God, huwag muna ngayun please! Tsaka na lang!" mahina kong usal. Pinilit kong maging okay sa harap ng mga kasama ko pero after namin kumain ng lunch, doon na tuluyang bumigat ang aking pakiramdam. "Jillian, ayos ka lang ba? Balot na balot ka ah?" seryosong tanong pa nga ni Moira Kristina sa akin. Paano ba naman kasi nadatnan ako nito sa loob ng kwarto, nakatalukbong ng kumot ang buong katawan at nanginginig sa sobrang lamig. "Moira, I think, may sinat ako." mahina ang boses na bigkas ko. Kaagad din naman ako nitong dinaluhan at sunod kong naramdaman ay ang pagdampi ng palad nito sa noo ko. "God, ang taas ng lagnat mo ah? Kaya pala kanina ko pa napapans
Read more