“Sir, please… give me one month to pay!” Pagmamakaawang turan ng lalaki habang nakaluhod sa malamig na sahig. Nanginginig ang buo niyang katawan, tila anumang oras ay bibigay na siya sa takot. Nasa harapan niya si Alejandro De Rossi, nakaupo nang matiwasay sa isang itim na leather chair habang hawak ang sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga daliri. Tahimik ang paligid, ngunit ramdam na ramdam ang bigat ng presensya ng binata. Ang mga tauhan ni Alejandro ay nakatayo lamang sa gilid, walang ni isang naglakas-loob na magsalita. Sanay na sila sa ganitong eksena. Sanay na silang makakita ng mga taong lumuluhod, umiiyak, at nagmamakaawa sa harap ng kanilang Boss. Ngunit kahit gaano pa kalakas ang iyak ng mga ito, hindi natitinag si Alejandro. Ilang buwan nang humihingi ng palugit ang lalaking nasa harapan niya. Paulit-ulit itong nangako na magbabayad. Paulit-ulit ding binigyan ng pagkakataon ng kanyang kanang kamay. Ngunit sa halip na ayusin ang utang, mas lalo lamang itong lumubog sa suga
Read more