Pagkapasok nila sa loob ay saka naalala ni Nigel ang ibigay kay D ang hawak nitong bulaklak at ang maliit na shopping bag. Halata sa mukha ng ginang ang hiya ng tanggapin nito ang dala ng binata. At nang tignan niya ang taynga ng nobyo ay pulang-pula iyon. Lihim siyang humagikgik at pigil ang sariling huwag abutin ang taynga nito para pisilin.Nang sumulyap ang kanyang ina sa kanya ay agarang itinago niya ang ngiti. Ayaw niyang ipahalata na kinikilig siya at kung gaano ka-invested ang feelings niya kay Nigel. Alam niyang malalim na ang nararamdaman niya para sa nobyo. Kinain niya lahat ng binitiwan niyang salita noon. So what? Hindi naman siya robot upang ‘di talaga siya makaramdam ng pag-ibig, ‘di ba?“Maraming salamat! Hindi ka na sana nag-abala pa,” wika ni D. “Hindi ko inaasahan na ikaw pala ang nobyo nitong dalaga ko. Pa-mysteryoso pa at ayaw sabihin ang pangalan mo.”Napahaplos sa batok si Nigel at ngumiti.“Kasi gusto kong ipakilala siya ng personal, mama, kaysa iyong sinasabi
Read more