Isang halik ang sumunod na iginawad ni Cayden, banayad ngunit puno ng pangakong walang iwanan. Kinarga siya nito habang magkalapat pa din ang kanilang mga labi.“Oy, nakakahiya sa staff ng resort. Ibaba mo ako!” aniyang nagpumiglas at inihiwalay ang labi sa binata.Ngunit tila walang nadinig si Cayden, at ipinasok siya sa loob. Walang ilaw.“Mayumi, miss na miss ka na ni Junjun. Matagal ko ng gustong angkinin ka ulit,” anas ng binata ng ibaba siya at isandal sa pader at siniil ng mapusok na halik sa labi. Nag-espadahan ang kanilang mga dila.Biglang bumukas ang ilaw. Mabilis silang naghiwalay. May nakahanda palang sorpresa.Sa loob ng villa ay puno ng mga pastel-colored balloons, mga banderitas na may pangalan niya, at isang mesang puno ng masasarap na pagkain. May malaking backdrop na may nakasulat, “Baby Aragon-Villamor: Ready to Pop!”Biglang sumabog ang confetti poppers at hiyawan ng buong pamilya.“Surprise!!!” masayang bati ni Lola Mila, Justin, Don William, Mommy Cecil, Kristel,
Terakhir Diperbarui : 2025-06-02 Baca selengkapnya