Share

Kabanata 201 Saving His Love

last update Dernière mise à jour: 2025-06-01 16:46:50

Sa wakas ay natunton ang kinaroroonan ni Mayumi. Mabilis ang kilos ng kapulisan. Sa loob ng van, nandoon sina Cayden, Justin, at Gab. May kasama silang mga pulis upang iligtas si Mayumi at masakote si Don Manuel. May hawak na tablet si Justin, ipinapakita ang satellite image ng safehouse.

"May blind spot sa likod. Pero may dalawang bantay sa main entrance. Si Gab, ang front act natin. Kaya mo ba? Ayoko ng palpak,” baling nito kay Gab.

“Bakit parang worried ka? Concern ka na ba sa akin? Mahal mo na ako?” nanunuksong sabi ni Gab habang inaayos ang uniporme ng delivery.

“Gabriella, tigilan mo ako. Hindi ‘to oras ng biro,” seryosong sabi ng binata.

"Akong bahala, magdedeliver lang ng pagkain para makapasok kayo. At gagamitin ang ganda para ma-distract ang mga goons, napakadaling gawin niyan,” anang dalaga na nagsuot na ng helmet at may kinuhang malaking insulated bag ng sikat na food delivery app.

“Wala bang kiss diyan bago ako sumugal ng buhay?” habol ng babae kay Justin. Tanging pagtaas
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
goodnovel comment avatar
Mila Castillon
Salamat naman at ligtas Silang lahat. Sana naman Hindi nakunan si mayumi.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May update pa po mamaya. Maraming salamat po!
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 275 Make Her Fall Again

    Nakaupo si Justin sa isang leather couch ng bahay niya habang may hawak na folder na may lamang paternity legal options. Tahimik ang paligid. Dumating si Lance mula sa kusina, dala ang dalawang bote ng beer. Umupo ito sa tapat niya.“Bakit kailangang umabot sa korte ang issue ninyo?” ani Lance habang iniaabot ang isang bote sa kanya.“Hindi na ito basta legal issue, Lance. Anak ko si Nathaniel. Ilang taon siyang lumaki na wala ako. Ngayon na may pagkakataon ako, hindi ko hahayaang mawala uli siya.”“Legal options? Paternity case? DNA test?”Tumango-tango siya habang tumitikim ng beer.“Bro, hindi ba parang masyado kang nagmamadali? Pag-isipan mo munang mabuti. Tandaan mo hindi na ang dating Gab ang kalaban mo. Maimpluwensya na din siya,” ani Lance.“Anong gusto mong gawin ko? Umupo lang at maghintay? Hindi niya ako bibigyan ng karapatan sa bata kahit gustuhin ko man. Ipinagtabuyan na nga ako,” himutok niya.“May karapatan ka bilang ama. Pero huwag mong simulan ang laban sa korte. Hind

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 274 Sorry Is Not Enough

    Tahimik na nagkakape si Gab sa opisina, pinipilit aliwin ang sarili kahit mabigat ang dibdib. Hindi siya mapakali. Masama ang kutob niya na hindi niya mawari. Hawak niya ang cellphone, pero iniiwasan niyang buksan ang social media accounts. Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Pamela, hawak-hawak ang tablet."Ma’am Gab! Kailangan mo po itong makita,” anitong kita ang pag-aalala sa mukha."Anong nangyari?" aniyang napatayo mula sa kinauupuan.Ipinakita ni Pamela ang tablet, naka-open sa isang viral peybuk video ng isang batang pumagitna sa kasal at ipinahayag na anak siya ng groom! May libo-libong views na ito. Pinindot ni Gab ang video at nakita ang mismong eksena, si Nathaniel, lumuluhang pumagitna sa seremonyas.Nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang kamay. At hindi niya napigilang mapamura."Si... si Nathaniel... anong ginagawa niya sa kasal ni Justin?!”Humiwalay ang tingin niya sa video at napalunok. Namamanhid ang kanyang dibdib,

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 273 Saving the Day

    Tahimik at solemn ang paligid. Nasa harap ng altar sina Justin at Camille, habang hawak ng pari ang Bibliya at binibigkas ang mga panalangin ng kasal. Nagsisimula na ang mahalagang bahagi ng seremonya, ang pagbigkas ng mga panata.“Justin Aragon, tinatanggap mo ba si Camille Reyes bilang iyong asawa...”Nakatingin sa altar si Nathaniel at biglang tumakbo papasok sa gitna ng simbahan!Bago pa man siya makasagot, isang malakas na sigaw ang gumambala sa katahimikan.“Nathaniel! Huwag!” aniyang muntik himatayin sa ginawa ng pamangkin.Pero huli na. Sumisigaw na ang bata habang tumatakbo sa gitna ng aisle.“Daddy Justin! Daddy!”Nagulat ang lahat ng bisita. Napahinto ang pari. Lumingon si Justin at doon niya nakita si Nathaniel na patakbong papalapit. Tumigil siya sa gitna ng aisle, humihingal ngunit determinadong makarating sa altar.“Daddy! Huwag ka magpakasal! Hindi siya mommy ko,” anang batang nakakapit sa kanyang hita at umiiyak na.Umugong ang bulungan. Nanlilisik ang mata ni Camille

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 272 The Wedding Day

    "Ngayon po?”"Oo. Ang daming post ng fiancée niya sa social media. Bonggang kasalan daw sa simbahan. Baka nga nandoon na siya ngayon.”"Pero, hindi ko pa siya nakakausap. Hindi pa niya alam daddy ko siya.”"Ay nako, Nathaniel. Ganyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin. Dapat mong matutunan ‘yan habang bata ka. Tanggapin mo na lang.”"Tara, Tita Gianna, puntahan natin si daddy, please.”"Anong gusto mong gawin, sumugod tayo sa kasal?! At ano? Sabihin mong anak ka niya?!”“Gusto ko makita si daddy,” pamimilit ni Nathaniel.Natigilan siya sa determinasyon ng pamangkin sa murang edad nito."Hindi mo naiintindihan ang pinapasok mo, Nathaniel. Pero kung talagang gusto mo pa rin, sige. Pupuntahan natin. Pero titignan mo lang, ha? Hindi ka mangugulo doon,” kabadong sabi niya para sa limang milyon."Opo, Tita Gianna.”Sinundo niya si Nathaniel at ginawa ulit ang ginawa niya dati upang maitakas ang pamangkin. Parang kulang ang limang milyon kapag nabuko siya ni Gab. Ti

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 271 Letting Go and Moving On

    "Salamat sa tiwala, Kian. Pero kung may dapat makaalam niyan, si Justin ‘yon. Hindi ako. Ayokong maging dahilan ng gulo sa buhay ni Justin. Ayokong makialam,” aniyang buo na ang desisyon.Tumango ang binata tanda ng pang-unawa, bagama’t may lungkot sa mukha."Naiintindihan ko. Siguro kaya ko lang sinabi ‘to, kasi hindi ako mapakali. Pero tama ka. Ayoko na siyang habulin sa mga desisyon niya. Matanda na si Justin. Kung pipikit siya sa mga katotohanan, problema na niya ‘yon.”"Kumain na tayo. Baka kung saan pa tayo dalhin ng usapang ‘to,” aniyang nagsimulang sumubo ng pasta.Nagpakawala muli ng malalim na buntong-hininga si Kian, tila may isa pa itong gustong sabihin."Actually, may isa pa akong dahilan kung bakit kita niyaya ngayon,” anang binatang nakangiti."Naku, Kian. Parang ang dami mong kwento.”Napakamot ito sa batok."Oo nga eh. Eto medyo mas personal ang sasabihin ko. Sa totoo lang ay nahihiya ako,”"Sige na. Sabihin mo na. Huwag ka ng mahiya.”"May ipapakasal sa akin ang mga

  • Never Fall Again to the Heartless Billionaire   Kabanata 270 Ending Their Story

    Natapos na ang mahaba at tense na meeting tungkol sa subway project. Isa-isang lumabas ang mga opisyal. Naiwan si Gab sa boardroom upang ayusin ang kanyang laptop at mga dokumento. Habang palabas siya, ay naabutan niya si Justin na nakatayo sa gilid ng lounge area, tila may hinihintay."Gab,” tawag nito.Napalingon siya. Saglit siyang natigilan."Bakit? May gusto ka pa bang linawin tungkol sa project?”"Gusto kitang kausapin… kahit sandali lang.”Hindi siya sumagot. Dahan-dahan siyang pumasok sa lounge at isinara ang pinto. Nahulog sa katahimikan ang buong paligid."Congrats, Gab. You handled the meeting well. Magaling ang mga suggestions and insights mo.”"Thanks. You, too. Maganda ang subway project mo. Madaming mamamayan ang makikinabang.”"Hmmm. Malapit na akong ikasal.”Hindi agad siya nakakibo. Tumingin siya sa sahig. Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit mas masakit kapag sa bibig nito galing mismo? Ngumiti at tumango.“Nadinig ko nga, binati ka nila kanina,” aniyang hindi

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status