Natapos si Elara at Thea sa pag-aayos ng gamit nila. Nalinis narin nila ang buong bahay. Presko at komportable na itong tingnan kaya napangiti si Elara sa nakikita niya. Maaliwalas na ito. "Hay, sawakas natapos din natin, Ate," saad ni Thea at nag-inat pa ng katawan. "Masarap na itong tulugan mamaya," sambit naman ni Elara. "Kailan ka manganganak, Thea?" Simula nang dumating sila sa Concepcion ay hindi pa niya natatanong si Thea sa pagbubuntis nito. Naging abala siya sa pagtatanong sa buhay ng dalaga. "September po expected date ko, Ate," sagot naman ni Thea. "Bali malapit na po two months na lang." Ngumiti si Elara at marahang hinaplos ang braso ni Thea. "Malapit na nga, ah. Nako, sigurado ako na magiging isang mabuting ina ka sa magiging anak mo," wika niya, ramdam ang tunay na pag-aalala at suporta sa boses at aksyon nito. Napalunok naman si Thea at biglang napayuko. "Sana nga po, Ate," mahina nitong sagot. "Kinakabahan po ako lalp na'y wala akong katuwang sa buhay
Terakhir Diperbarui : 2025-06-17 Baca selengkapnya