Discharge Day – Long Beach Medical Center9:17 ng umagaRoom 507Maliwanag ang araw. Ang mga sinag nito’y unti-unting sumasayaw sa puting dingding ng silid. Isang linggo na mula nang isilang si Baby Alessia—isang linggo ng katahimikan, ng pag-iwas, at ng mga matang palihim na nagmamasid sa bawat kilos.Sa hospital bed, nakaupo si Fortuna, suot ang simpleng maternity dress. Nakalugay ang kanyang buhok, at sa tabi niya’y mahimbing na natutulog si Alessia, balot sa malambot na kumot na kulay gatas.Tahimik siyang nakamasid sa labas ng bintana. Ngunit sa loob, gulo ang kanyang damdamin.Wala pang isang metro mula sa kanya, abalang-abala si John sa harap ng maliit na desk sa silid—nakaupo, tinatawagan ang billing, kinakausap ang nurse, kinukumpirma ang discharge. Lahat ay ginagawa niya—tila ba gusto niyang ipakita na narito siya, na mahalaga siya, na handa siyang maging ama.Ngunit kay Fortuna, ang lahat ay parang palabas pa rin. Parang may hindi totoo. Parang pilit.“Miss,” ani ni John sa
Terakhir Diperbarui : 2025-06-27 Baca selengkapnya