Nathan"I want you, Nate..."Sa pagkakarinig ko ng mga salitang ‘yon mula sa kanya, para akong hinigop ng isang malalim na espasyo kung saan wala na akong maramdaman kundi ang presensya niya. Ang lahat ng sense of reasoning ko ay parang lumipad palabas ng bintana. Wala na. Siya lang ang laman ng isipan ko."I want you more, Ysla," sagot ko, halos paanas pero punong-puno ng pagnanasa. Hindi ko na inisip kung tama ba ang ginagawa ko o hindi. Ang tanging mahalaga sa mga oras na ‘yon ay ang pagpapatuloy ng halik naming dalawa.Hindi naman niya ako binigo. Sa halip, siya pa mismo ang kusang lumapit at muling hinaplos ng labi niya ang akin, mas madiin ngayon, mas mainit, mas nangangailangan. Para akong sumabog sa loob sa sobrang kasiyahan, kagustuhan, at isang uri ng emosyon na hindi ko maipaliwanag.Ewan ko ba. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong sandali. Marami na akong babaeng nakahalikan, naging kaulayaw, nakasama sa mga gabing walang pangalan. Pero si Ysla, ibang-iba siya.Marahil ay
Terakhir Diperbarui : 2025-05-02 Baca selengkapnya