"Ano? Teka, bakit ganyan ang tono mo? Lumapit ka rito, kung hindi, sisigaw ako at magwawala!" sabi ni Anton, hindi na itinatago ang inis at hinanakit kay Amara. Humugot lang ng malalim na hininga ang dalaga bago dahan-dahang humarap, ngunit hindi pa rin lumalapit. "May ipapagawa po ba kayo, Señorito? Maliligo na po ba kayo?" ulit niya. "Stop it! Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng 'Señorito'! Lumapit ka rito at kausapin mo ako! Kausapin mo ako nang normal, tulad ng dati!""Dito na lang po ako, Señorito. Baka kung ano pang masabi ko," sagot ng dalaga. "Teka, Amara, galit ka ba sa akin? Why? May nagawa ba akong mali?" tanong ni Anton, pero nanatiling tahimik si Amara. Nainis lalo na nang tanungin pa nito kung galit ba siya at kung ano ang problema."Hah! Pagkatapos akong hindi pansinin sa kusina , pagkatapos akong ituring na parang ordinaryong katulong lamang matapos ang nangyari sa main kagabi hah! Nakakainis talaga," himutok ni Amara.Muntik nang mapaiyak si Amara sa sama ng loob
Leer más