ANMELDEN"Ano? Teka, bakit ganyan ang tono mo? Lumapit ka rito, kung hindi, sisigaw ako at magwawala!" sabi ni Anton, hindi na itinatago ang inis at hinanakit kay Amara. Humugot lang ng malalim na hininga ang dalaga bago dahan-dahang humarap, ngunit hindi pa rin lumalapit. "May ipapagawa po ba kayo, Señorito? Maliligo na po ba kayo?" ulit niya. "Stop it! Tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng 'Señorito'! Lumapit ka rito at kausapin mo ako! Kausapin mo ako nang normal, tulad ng dati!""Dito na lang po ako, Señorito. Baka kung ano pang masabi ko," sagot ng dalaga. "Teka, Amara, galit ka ba sa akin? Why? May nagawa ba akong mali?" tanong ni Anton, pero nanatiling tahimik si Amara. Nainis lalo na nang tanungin pa nito kung galit ba siya at kung ano ang problema."Hah! Pagkatapos akong hindi pansinin sa kusina , pagkatapos akong ituring na parang ordinaryong katulong lamang matapos ang nangyari sa main kagabi hah! Nakakainis talaga," himutok ni Amara.Muntik nang mapaiyak si Amara sa sama ng loob
Pero nagiba ang pananaw ni Anton sa lahat nang kausapin siya ng kanyang lola habang akala nito ay comatose pa siya. His Lola talked to him with tears and told him everything about why she needed to do everything she did before. Akala ng lola niya, wala pa siyang malay noon, kaya marahil nagawa nitong maglabas ng totoong saloobin.Pero lingid sa kanyang lola, naririnig ni Anton ang lahat ng inamin ng lola niya at naawa siya dito. Alam niyang noon pa man ay api na ang matanda kasama ng mga magulang niya. Maaga kasing namatay ang lolo niya dahil sa inilihim na sakit. Napagbintangan pa nga ang lola niya na siyang sanhi ng pagkakasakit ni Lolo Fermin. Ang paglalagalag niya noon ay para umiwas sa kagustuhan ng lola niyang magkaroon ng responsibilidad at mag-mature. Wala siyang kaalam-alam noon na nahihirapan ang lola niya sa maraming gahaman sa paligid nila.Kaya nga, nang dumating si Amara sa mansion isang araw, kahit alam niyang padala na naman ito ng lola niya, hindi na niya ito kinontra
Sa hapong iyon, naging bisita ni Anton ang kanyang lola. "Amara, maari mo ba muna kaming iwan ng aking apo? Kailangan ko lamang kausapin si Anton," bungad ng matanda na pumasok sa silid ng binata. Si Amara ay nasa silid ni Anton nang sandaling iyon at nagtutupi ng mga damit ng binata sa aparador. "Ah, sige po, Donya Soledad, Sir Anton. Babalikan ko na lang po 'yung mga tinutupi ko," paalam niya sa binata. "Sige." matipid na sagot ni Anton. Nang lumabas ng pinto si Amara ay lilingon ito ni Donya Soledad, may munting ngiti na sumilay sa kanyang mga labi saka kumunot ang kanyang noo. Nagtataka siya kung bakit tinawag ni Amara si Anton ng 'Sir' ulit, samantalang ang kwento sa kanya ni Gina ay "Anton" na lamang ang tawag ni Amara sa apo at ang kwento pa nga niya ay napakaclose na ng dalawa.Umaasa na sana si Donya Soledad na malapit nang mangyari ang mga plano niya ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang dumating sa mansyon si Peachy, naging pormal ang lahat, maging si Anton na hindi niya
Lingid kay Amara, napasulyap sa kanya si Anton kaya kitang kita ng binata ang pagirap niya, nakita ni Anton ang nagseselos niyang reaksiyon. Kaya hindi niya naitago ang munting ngiti sa sulok ng labi kahit kausap nito ang madaldal na si Peacy."You know, I'm dying to visit you, kaya lang madaming ipinapagawa sa akin ang daddy."Talaga ba?napakabusy mo siguro kase, mula ng maasidente ako, di ka nakadalaw ng ospitlal eh." sumbat ni Anton. Hindi niya kase maintindihan kung bakit hindi man lang ito nagpakita sa hospital mula ng maaksidente siya. Nabanggolit ng Lola niya sa kanya noon na alam ni Peachy na nabaldado siya pero ni isang beses ay hindi ito dumalaw o naghanap ng oras para tawagan man lang siya. Ngayon ay bigla itong sumulpot at heto at miss na miss daw siya. Busy daw ito samantalang noon nga ay bulakbol ito sa sariling negosyo dahil spoiled brat ito ni Tito Nestor."Kaya ba siya narito dahil nabalitaan nito na okay na siya. Na nakakahakbang na siya?" sumimangot si Anton, baga
Nagulat si Amara nang biglang lumitaw si Donya Soledad sa kanyang likuran. Nang lumingon siya, nakita niya itong matandang babae na nakatingin sa kanya nang may pagtataka, tila bagong dating pa lamang dahil nakabihis pa ito at may dalang bag. "Donya Soledad! K-kakarating nyo lang po ba? G-Gabi na po," sabi ng dalaga na nauutal pa. "Oo, napakatraffic kasi, tapos nasiraan pa kami kaya kinailangan naming maghanap ng mekaniko. Ngayon ka lang ba pinakawalan ng apo ko?" tanong ng matanda. "Ah, eh oo po. Nanuod po kasi ng K-drama at ayaw niyang patayin ang TV, gusto niyang matapos ang 16 na episode kaya umabot ng ganitong oras," pagsisinungaling ni Amara. "Naku talaga naman. Hayaan mo Amara, kakausapin ko siya bukas. Inabuso na niya ang kabaitan mo. Hindi na tama 'yan," dagdag ng matanda bago lumingon sa katulong na nagbukas ng pinto para sa kanya. "Ilagay n'yo sa kusina ang mga gulay, at ang mga prutas na binili ko ay ilagay n'yo sa refrigerator. Matagal nang hindi maayos ang sasakyan
Si Peachy ay isang kaibigan mula pa pagkabata. Felicity Ann Chavez ang totoo niyang pangalan. Dahil matagal na nga kaming magkaibigan, parang pamilya na din siya at sanay na yun dito sa bahay at minsan nga nang i stay pa dito yun ng matagal at welcome yun kay Lola.” kuwento ng binata, ngunit pinakatitigan ang magiging reaksiyon ni Amara. Napatigil si Amara at bahagyang napatingin kay Anton pero nayuko dahil sa mga titig ng binata. Felicity Ann Chavez—pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Parang narinig na nga niya ang pangapan nito sa bibig ng mga katulong, at narinig niya pang minsan na ito raw ay kaibigan ng pamilya ni Donya Soledad. “Dadalaw siya rito sa linggo para bisitahin ako,” patuloy ni Anton, bahagyang tumatawa nang mapansin ang pagtataka sa mukha ni Amara. “Hindi naman kami nagkikita nang madalas dahil busy siya sa negosyo ng kanilang pamilya, pero tuwing may pagkakataon ay sinusubukan niyang pumunta rito. Siya rin kasi ang nagbigay ng ideya na kumuha ng private nurse







