“Ang babaeng iyon ay Arabella ang pangalan,” dugtong pa ng matanda, “Pinahanap ko na siya saan man siya naroroon. At sumusumpa ako sa iyo, Anton, na pagbabayaran niya nang husto ang kanyang ginawa sa iyo. Kahit na gumaling ka na ngayon at nakakakilos na muli, huwag mong kalimutan na dahil sa kanya ay naging wala kang silbi, pansantalang naging umpo, at nabuhay sa dilim ng kawalan ng pag-asa sa loob ng maraming buwan. Kaya sisiguraduhin kong mabubulok siya sa loob ng bilangguan. Anuman ang kanyang pagkatao, saan man siya nagtatago, at anuman ang pangalang ginagamit niya ngayon, kailangan niyang panagutan ang krimen na ginawa niya sa iyo.” Sa sandaling marinig iyon ni Anton, napayuko siya at mahigpit na kinuyom ang kanyang mga palad. Ang mga salita ng kanyang lola ay tila nagpapatibay sa kanyang mga hinala, ngunit sa kabila nito ay may kakaibang bigat pa ring bumabalot sa kanyang dibdib. Ang babaeng tinutukoy ng katotohanan ay walang iba kundi ang babaeng kasama niya ngayon, ang minama
Read more