Tahimik na nakinig si Donya Soledad, at habang tumatagal ay unti-unting nabuo ang isang hinala sa isip ng matanda. Tinitigan ni Donya Soledad ang apo, at sa tanong niya ay halos hindi na makahinga si Anton sa kaba at kalituhan.“Kung ganyan nga ang totoo, kung si Amara talaga ang Arabella na laging nasa alaala mo, bakit hindi niya sinabi sa akin? Noong una pa lang, inamin niyang wala siyang alam at pumayag siya sa kontrata ko nang walang pag-aalinlangan. Pero nang makita ka niya, nang malaman niyang magkakilala na pala kayo noon… bakit tinanggap pa rin niya ang lahat? Bakit hindi niya sinabi sa iyo? O kahit man lang sa akin? Bakit itinago niyang magkakilala na pala kayo?” mariing tanong ng matanda, puno rin ng pagtataka. Napayuko nang sobra si Anton, tila ba dinadaganan ng libu-libong bato ang kanyang dibdib.“Hindi ko po alam, Lola… talagang nalilito ako,” garalgal niyang sagot. “Parang pinagbabaligtad ang mundo ko. Marami pang malabo sa alaala ko at hindi pa lahat bumabalik nang bu
Read more