“Alam mo, nagtataka lang ako. Paano ka kaya napunta sa kamay ni Tita Marife? Ang pagkakaalam ko, isang beses lang naman siyang nagbuntis at kambal ang naging anak niya. Alam ko ‘yun, kasi ikinuwento sa akin noon ni Arianna ang tungkol sa buhay nila pati ng mga magulang niya. Hindi kaya nagkakamali lang si Mother Wilma?” pag-iiba ni Javier ng paksa. Nagkibit-balikat na lamang siya. “Hindi ko rin naman alam. Malalaman natin kapag nakausap na natin siya.” Tumango ito. “Sabagay, tama ka.. mas mabuti nga iyon,” sang-ayon naman ni Javier. “Hindi ka pa ba matutulog? Gabing-gabi na..” Isinandal siya nito sa dibdib. “Ubusin ko lang ito, pampatulog..” Bahagya siyang ngumiti nang lumapit pa. “Malamig ang panahon, kailangan natin ng kaunting init.. kulang iyang inumin mo,” saad niya sa mapanuksong boses habang iginagala ang daliri sa labi ng senador. Napakagat-labi ito nang hatakin siya at hapitin sa bewang. “Sobra nga'ng lamig, mukhang makakarami tayo ngayon, ah. Baka bukas hindi ka n
Last Updated : 2025-08-21 Read more