NATHALIE’S POV CAGBALETE BEACH, MAUBAN, QUEZON Mula sa Mauban Port ay forty minutes ang biyahe papunta sa Cagbalete Island, ang isa sa pinagmamalaki ng Quezon Province na mala-Boracay ang dating at may night party din sa gabi. “Wow!” “Wow!” sabay na wika namin ni Trixie nang unti-unti na namin na nakikita ang Cagbalete Island kung saan napapalibutan ito ng white sands at sa sobrang linis ng tubig sa dagat ay nagiging kulay green itong tingnan. Ang dagat na pumapalibot sa Cagbalete Island ay ang kilalang pacific ocean. Nang marating namin ang Cagbalete Island ay sa Nilandingan Cove kami pumunta ang isa sa pinakasikat na beach resort dito. Kinuha ni Hunter ang isang kubo o nipa hut house with two rooms, dining area, at sa labas ng kubo ay may anti-mosquito bulbs. "It's really nice to breathe some fresh air,” wika ni Tristan pagkatapos niyang ibaba ang mga dala niyang gamit. Ngumiti si Hunter. “Sinabi mo pa, p’re. You can really relax and unwind here, unlike in Manil
Last Updated : 2025-06-10 Read more