Vera May lumapit na bisita sa table namin kaya doon kami nagising ni Sean sa pagkatulala. Malakas pa na tumawa ang bagong dating na lalake. Pabiro niyang tinapik sa balikat si, Sean. Kamag-anak ‘ata niya. Kasi mga malapit na kaibigan o kamag-anak ang kayang makipag-usap ng ganito kay Sean. “Cuz, mukhang may LQ, ah?” tanong pa nito. Na paismid si Sean dito. “Hindi mo pa ipinakilala ang girlfriend mo baka gusto mo ng ipakilala sa ‘kin,” wika nito ngunit nilahad na rin ang palad. Kahit na hindi pa siya ipinakilala ni Sean, sa ‘kin. Maloko pala ito parang si Sean lang, palabiro. Nasa lahi na nga talaga nila. Saktong natutuwa ako at naaliw nakangiti, nakatingin na pala si Sean sa akin. Ngayon ay lukot ang mukha seryoso. Hmp! Nakangiti lang naman ako sa pinsan niya ayaw niya ba? “Mahal, siya ang nag-iisa kong first cousin. Si Kentin,” wika ni Sean. Parang napilitan pang ipakilala. “May nakalimutan siyang banggitin Vera, first cousin niyang mas guwapo sa kaniya,” saad nito kina bumung
Last Updated : 2025-09-28 Read more