Jean “Tss mabagal ako magbihis kaya nasabi ko iyon!” Paano aliw ang loko. Nahiya na nga ako pero parang sirang plaka pangisi-ngisi dahil sa kadaldalan ko. “Kapag hindi mo tinigilan Kaizer. Hindi na ako sasama,” Malakas na tumawa si Kaizer. Maging si Manang Rosa bumungisngis din. Ako naman gusto ko na lang magtago sa ilalim ng lamesa dahil sa kahihiyan. Nagmumukha kasi akong excited na bumuntot kay Kaizer iyon lang ang una kong naisip kaya tuwang-tuwa si Kaizer. “I don't want you to suddenly change your mind, baby, titigil na po. Binibiro lang kita pikon ka pala,” sabi niya at ayan ulit pinagmasdan niya ako. “Hindi ako pikon,” “Uh-huh,” sagot niya animo pumayag na lang kahit hindi ko siya napaniwala. Naging tahimik na kaming dalawa hanggang matapos kaming mag-almusal. Nang bumalik kami sa k'warto. Nauna akong magbihis kay Kaizer, dahil may tumawag sa kaniya. Narinig ko lola niya ang kausap. Mabuti rin para hindi niya ako sabayan at binilisan ko na lang upang hindi niy
Last Updated : 2025-06-16 Read more