"Dahil narito na ang mga sasamang directors at heads," malakas na sabi ni Jane sa lobby habang inaayos ang kanyang hair clip, "halika na, punta na tayo."Tumango ang ilan sa mga kasama—kabilang ang ilang senior officers ng Finance, Operations, at Logistics. Nagsimula silang maglakad papunta sa parking area ng Everest Corp., bawat isa sabik sa hapunan at posibleng tsismisan sa gabing iyon.Sampu silang lahat. Kabilang na si Fae at Lexa. Pagdating sa parking area, sumakay sa unang SUV ang karamihan, sabay-sabay na nagtatawanan at nagsisiksikan sa loob.Akmang sasakay na rin si Fae sa hulihan ng sasakyan, pero biglang humarang si Nina."Puno na 'to," malamig at mataray na sambit nito.Napakunot-noo si Fae, "May espasyo pa naman sa likod—" sabay silip niya sa loob, kung saan halatang may dalawang bakanteng upuan."Kapag sinabi kong puno na, ibig sabihin, puno na," sabay irap ni Nina at mariing isinara ang pinto ng sasakyan.Walang espasyo—hindi para sa upuan, kundi para sa pakikipagtalo.
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya