Bagsak.Tila tuluyang gumuho ang mundo ni Mendoza.Nawala na ang lahat ng yabang, ang lahat ng pagmamataas.Maging si Zaidee at Ella ay tila lantang gulay, hindi makakilos, hindi makapaniwala.Ang hamak na lalaking tinawag nilang basura…Ay isa palang Gold—isa sa pinakamakapangyarihang pangalan sa buong bansa."Huli na, Mendoza," malamig na sambit ni Lenard habang nakatingin sa lalaking halos nakaluhod pa sa harap niya."Laging nasa huli ang pagsisisi. Ngunit kahit magsisi ka, wala nang silbi."Tumingin si Lenard kay Richard."Mr. Gold, anong gusto mong gawin natin sa mga taong ito?""Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin." Kalmadong sambit ni Richard.Tumango si Lenard, "Security," utos niya nang walang pag-aalinlangan, "ilabas ang tatlong taong ito."Agad, sampung security personnel ang lumapit.Mabilis at walang pasintabi.Handang damputin sina Mendoza, Zaidee, at Ella.Ngunit bago pa man sila mahawakan, mabilis na lumuhod si Zaidee sa harap ni Richard, parang aktres sa isang tr
Last Updated : 2025-06-05 Read more