Sa waiting area, maayos na inayos ni Marie ang lahat ng mga dokumento. Isinunod niya ang transfer ng titulo, utilities, at bank clearance, matapos ay dinala ang folder kay Richard na abalang nagbabasa sa kanyang telepono habang naka-dekwatro."Sir, ito na po lahat ng final papers. Pakipirmahan lang po ito para ma-finalize na ang turnover."Tumingin si Richard, tumango, at pumirma. Ilang saglit pa ng pakikipagpalitan ng detalye at pagsuri ng mga papeles, matapos iyon ay ibinalik niya ang pen sa ibabaw ng mesa."Thanks, Marie. I'll take it from here."Ngumiti si Marie. "Congratulations po, Mr. Gold."Pagkalabas niya ng gusali, dumiretso siya sa parking area at sumakay sa kanyang itim na Rolls-Royce. Habang isinusuot ang seatbelt, tumingin siya sa kanyang relong Omega sa kaliwang pulso.11:47 AM."Tanghalian na pala," bulong niya.Walang kaba, walang stress. Naisip niyang magliwaliw sandali. Kaya't pinaandar ang sasakyan at nagmaneho papunta sa isang restaurant na palaging sinasabi ni Be
Last Updated : 2025-07-17 Read more