Pagkapasok namin sa bahay, agad kong naamoy ang mild scent ng lavender na pinahiran ni Luigi sa paligid, sabi niya, para raw makarelax si baby pag-uwi. Napatitig ako sa mukha ni Cassian na nakayakap sa dibdib ng daddy niya habang binubuksan ko ang pintuan. Tulog pa rin siya, mapula ang pisngi, nakakunot ang ilong. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Sa bawat hakbang naming papasok, pakiramdam ko ay bagong simula ang tinatahak namin. “Welcome home, anak,” bulong ko kay Cassian habang inaayos ni Luigi ang crib niya sa tabi ng kama namin. "Love, do you think he'll like the room?" tanong ni Luigi habang dahan-dahang inilalapat si baby sa crib. “Kung ako si Cassian, gusto ko na sanang tumira agad dito,” natatawa kong sagot habang lumapit ako sa kaniya. Inayos ko ang maliit na kumot na gawa pa sa Italy at may pangalan ni Cassian sa gilid. “Halika, maupo ka muna,” alok niya habang inaalalayan akong maupo sa kama. Bumuntong-hininga ako at niyakap ang katawan ko. Pakiramdam
Terakhir Diperbarui : 2025-07-03 Baca selengkapnya