Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Ang alam ko lang, isang gabi ng pagod, stress, at kalasingan ang nagtulak sa akin sa sitwasyong hindi ko inaasahan. Galing ako sa hearing kanina, at halos ma-drain ang lahat ng lakas ko sa mga tanong ng kabilang abogado. Pagkatapos, sinama ako ng pinsan kong si Claire para kahit papaano makalimot. Kaya heto ako, nasa loob ng isang bar sa BGC, suot pa ang semi-formal dress na ginamit ko kanina.“Drink ka lang, Elira. You deserve this after everything,” sabi ni Claire habang iniaabot sa akin ang isang basong cocktail.“Hindi ako sanay dito,” sagot ko. “Alam mo namang hindi ako mahilig lumabas ng ganito.”“Exactly! Kaya nga ngayon ka dapat mag-enjoy. Don’t think about the case for now.”Napabuntong-hininga na lang ako. Sinubukan kong tikman ang alak. Matamis, pero ramdam ko agad ang tama sa lalamunan. Isa lang, sabi ko sa sarili ko. Pero hindi ko namalayan, nakatatlong baso na ako bago mag-alas-diyes ng gabi.Habang umiikot ang ilaw sa dance flo
Last Updated : 2025-09-21 Read more