AMARA'S POINT OF VIEW "Amara, paki naman muna ‘tong si Baby Lian, please? Saglit lang talaga ako. Kailangan ko lang dumaan sa clinic para sa check-up ko," pakiusap ni Trina, ang kaibigan ko sa architecture department na halos kapwa ko na rin nabubuwang sa dami ng plates."Walang problema, ako bahala sa kanya. Ang cute cute nito, oh!" Ngiting-ngiti akong binuhat si Baby Lian, na mga walong buwang gulang pa lang. Chubby cheeks, makapal ang buhok, at tawang-tawa habang kinakagat ang sariling kamay."Hala sige, salamat ha! Babalik agad ako!" sabay halik ni Trina sa pisngi ng anak niya bago ito tumakbo palabas.Pagkaalis niya, naupo ako sa may mini sofa ng student lounge. Karga-karga ko si Baby Lian, panay lundag sa kandungan ko habang hinihila ang buhok ko at sinisiksik ang mukha niya sa dibdib ko na parang hanap ay gatas."Ay sorry, Lian, hindi ako ready jan. Wala pa akong license, lalo na milk license," tawa ko, sabay kiliti sa tagiliran niya. Tumawa siya nang malakas, parang musikang
Last Updated : 2025-05-06 Read more