Share

CHAPTER 33

last update Last Updated: 2025-05-04 09:51:36

AMARA'S POINT OF VIEW

Pagdating ko sa harap ng Dela Vega mansion, parang may bato sa lalamunan ko. Hindi dahil sa takot kay Killian, kundi dahil sa takot na baka hindi niya na ako tanggapin. Na baka huli na ang lahat. Huminga ako ng malalim at lumingon kay Theo na naghatid sa akin.

"Sigurado ka na ba dito?" tanong niya, habang nakasandal sa manibela.

Tumango ako. "Oo. Kailangan ko siyang makita."

"He's probably in his study. Alam na ni Manang Cely na papasok ka. Ako na bahala sa labas." Tumango siya, at binigyan ako ng maliit na ngiti. "Good luck."

Pagkapasok ko, tahimik ang buong bahay. Tahimik, pero hindi malamig. Wala na ‘yung dating bigat na nararamdaman ko dati. Parang kahit papaano, kahit anong mangyari ngayon, may parte ng sarili kong kaya nang lumaban. Hinaplos ko ang dibdib ko. Kayang huminga.

"Ma'am Amara." Si Manang Cely ang sumalubong. "Nasa study si Sir Killian. Gusto mo ba siyang puntahan?"

"Oo po. Ako na ang pupunta."

Naglakad ako patungo sa pamilyar na hallway. Ilang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract of Hearts   CHAPTER 62

    AMARA'S POINT OF VIEW Mainit ang araw pero hindi ko iyon alintana. Nakatingin lang ako sa harapan ng maliit na lupang pagmamay-ari ni Mama Rowena—ang nanay kong ilang dekada nang naninirahan sa lumang bahay na halos tagpi-tagpi na.Sa tabi ko, nakaupo si Killian, may hawak na basang tuwalya habang pinupunasan ang pawis niya sa noo. Hindi siya sanay sa ganitong trabaho, pero hindi mo makikita sa kilos niya ang reklamo.“Anong sukat ulit ng bintana, babe?” tanong niya habang nakakunot ang noo, hawak ang planong guhit ni Mang Fred, ang karpintero sa baryo.“Dalawang piye, tatlong daliri. Sabi ni Mama gusto raw niya tanawin agad ang tanim niyang kalabasa,” sagot ko habang sinisikap itago ang luha sa mga mata ko.Hindi ko akalaing mangyayari ‘to. Hindi ko inasahan na ang lalaking akala ko’y wala nang ibang alam kundi boardroom at mga meeting ay magiging katuwang ko sa pagbibigay ng pangarap sa nanay ko.Si Killian mismo ang nag-propose na ipatayo ang bagong bahay para kay Mama. Wala akong

  • Contract of Hearts   CHAPTER 61

    AMARA’S POINT OF VIEW4 months have passed. Malaki na tiyan ko. Mainit ang araw pero malamig ang hangin sa palayan. Ang kakaibang halo ng simoy ng kalikasan at init ng araw ay parang yakap ng tahanan—mainit pero nakakapanatag. Nasa lilim ako ng isang puno habang nakaumbok ang tiyan ko, may hawak na paypay, at pinagmamasdan ang lalaking mahal ko habang nakalublob ang mga paa sa putikan.Si Killian.Ang dating lalaking halos hindi lumalabas ng opisina at ayaw madumihan ang sapatos, ngayon ay tuwang-tuwang nag-aararo, kasama ang mga magsasaka sa aming lugar. Wala siyang suot na polo o sapatos na mamahalin—naka-sando lang siya at may putik sa pisngi pero kitang-kita mo ang kagalakan sa bawat galaw niya.“Amara, tingnan mo ‘to!” sigaw niya mula sa malayo habang nagtatawanan silang magkakabarkada sa bukid.Napatawa ako habang inilapit ang kamay ko sa tiyan ko. “Ayan na naman ang tatay mo,” bulong ko sa anak naming nasa loob ko. “Hindi na marunong mapagod.”Naaalala ko pa dati nung una siyan

  • Contract of Hearts   CHAPTER 60

    AMARA'S POINT OF VIEW Muling bumalik kami ni Killian sa probinsiya—sa mismong lugar kung saan lumaki ang puso ko, sa bayan na puno ng alaala at simpleng saya. Hindi ko maipaliwanag yung halo-halong excitement at kaba na naramdaman ko habang nasa biyahe kami papunta. Para akong bata na nakabalik sa kanyang lumang mundo, pero ngayon dala namin ang isang espesyal na balita—isang bagong yugto na babaguhin ang lahat.Habang papalapit na kami sa aming bahay, ramdam ko yung malamig na simoy ng hangin na sumalubong sa amin. Ang amoy ng mga puno, lupa, at mga tanim na palay ay tila ba nagmumuni-muni sa akin ng mga simpleng araw ng pagkabata. Napalingon ako kay Killian na nakatingin din sa paligid ng may ngiti—hindi niya man sabihin, ramdam ko na excited din siya, pero may konting kaba na kaakibat.“Ready ka na ba, Amara?” tanong niya habang hawak ang kamay ko.Napangiti ako at bahagyang kinurog ang ulo. “Hindi, pero handa na rin ako. Para sa atin.”Pagdating namin sa bahay namin, agad na bumu

  • Contract of Hearts   CHAPTER 59

    AMARA'S POINT OF VIEW Umaga pa lang, abala na si Killian sa paghahanda ng almusal habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng mesa, pinagmamasdan siya ng may ngiti. Hindi ko maalis sa isip ko yung mga nangyari kahapon, yung biglaang pagdating ni Lolo nila. Sobrang nakakatuwang makita si Lolo, yung matanda na may buong respeto at puso sa pamilya nila. Hindi ko inexpect na may dadating pang ganun — lalo na sa gitna ng mga pinagdaanan namin ni Killian nitong mga nakaraang buwan.Medyo kinakabahan ako nung una. Alam mo yun, yung tipong pag nakakita ka ng matanda na may hawak ng authority sa buhay ng partner mo, automatic na nagkakaroon ka ng pressure. Pero sa unang tingin pa lang ni Lolo kay Killian, nakita ko yung pagmamalasakit niya. Hindi siya yung matandang parang mahirap lapitan, kundi yung tipong may puso at talagang nagmamalasakit sa pamilya.“Kumusta ka, Killian? Amara, ikaw na pala ‘yang napiling mag-alaga sa apo ko,” sabi ni Lolo habang nililingon ako. Natawa ako sa kanyang tono —

  • Contract of Hearts   CHAPTER 58

    AMARA'S POINT OF VIEW “Babe, hindi ganyan maghiwa ng sibuyas,” reklamo ni Killian habang nakatitig sa hawak kong kutsilyo na akala mo ay sandata ko sa gera.“Eh di ikaw na,” sagot ko, nilingon siya na parang gusto ko na siyang sabuyan ng sibuyas. “Maghiwa ka nga dito. Tignan natin kung hindi ka rin maiyak.”Kinuha niya agad ang kutsilyo, confident pa. “Tignan mo. Ganyan lang ‘yan.” Umarte pa siyang pro sa kusina, parang chef sa cooking show.Pero ilang segundo pa lang, napansin ko na namumula na mata niya.“Uy, umiiyak ka na,” tawa ko habang lumapit at kinutya siya. “Akala mo ang galing mo.”“Hindi ako umiiyak. Allergic lang ako sa mga babae'ng magaling lang sa pang-aasar,” balik niya sabay lapit sa mukha ko. “Ikaw talaga, paborito kong gulo.”“Ewan ko sa’yo.” Pero hindi ko rin napigilan ang ngiti. Ganyan kami ni Killian. Asar tapos lambing. Init tapos kilig. Pero laging balik sa tawanan.Napunta kami sa dining area at sabay na naghain. Araw ng Linggo, kaya nagdesisyon kaming magluto

  • Contract of Hearts   CHAPTER 57

    KILLIAN POINT OF VIEW Naroon ako sa harap ng salamin, nakatayo sa gitna ng walk-in closet namin, hawak ang isang maliit na itim at puting sonogram na nakaipit pa sa resibo mula sa clinic. Buong gabi ko na siyang hawak, paulit-ulit kong tinitingnan, parang baka mamaya mag-iba pa ang itsura, parang baka bigla siyang mawala. Maliit pa lang siya pero ang bigat ng epekto niya sa akin. Paano ba maging ama?Hindi ko alam kung paano magsimula. Hindi ako kagaya ng ibang lalaking excited agad. Hindi ako kagaya ng mga tatay na laging may plano, na matagal nang handa. Ako, takot ako. Oo, masaya ako. Oo, mahal na mahal ko si Amara. Pero hindi ko alam kung paano maging tatay. Lalo na sa isang batang hindi pa man lumalabas, pero ramdam ko na ang bigat ng responsibilidad.Napalingon ako nang bumukas ang pintuan. Si Amara, bagong gising, magulo pa ang buhok, naka-duster lang. Ang ganda pa rin niya kahit halatang antok pa. Nilapitan niya ako, niyakap mula sa likod, at idinantay ang baba niya sa balika

  • Contract of Hearts   CHAPTER 56

    AMARA'S POINT OF VIEW Seryoso ba ‘to? Ito na yata ang pinaka-eksaherado at pinaka-overacting na Killian na nakita ko. Hindi pa man ako nakakabangon nang tuluyan sa kama, heto na siya—nakabantay na parang hawk, nakapamaywang pa at may hawak pang unan.“Amara, saan ka pupunta?” tanong niya habang inaayos ang buhok ko. Para siyang lola na nag-aalala sa apo.“Tataas lang ako ng kama, Killian. Hindi pa naman ako mamatay sa pag-uunat.”“Hindi mo na kailangang tumayo. Sabihin mo lang, kukunin ko na para sa’yo.”Napairap ako pero lihim akong kinikilig. Okay, fine, cute siya. Pero seryoso, feeling ko anytime ipapagbawal na niya akong huminga nang malalim.“Killian, buntis lang ako. Hindi ako pilay. At hindi pa nga halata. Para lang akong bloated.”“Hindi. Buntis ka. May baby tayong binubuo sa loob mo. Kaya hindi ka na dapat nagbubuhat, naglalakad nang walang kasama, o kahit tumatawa nang masyado.”“Tumatawa?”“Oo. Baka ma-stress yung baby.”Napabuga ako ng hangin sabay tawa. “So ibig sabihin,

  • Contract of Hearts   CHAPTER 55

    AMARA'S POINT OF VIEW Hindi ko malilimutan ang araw na yun—ang araw na ginawa namin ni Killian ang pinakaimportanteng hakbang para masigurong tama ang nararamdaman ko. Kahapon lang kami nag-test ng pregnancy kit, at dahil sa dalawa talagang linya ang lumabas, alam namin na may malaki kaming dapat harapin. Pero syempre, ayaw naming umasa lang sa test na yun. Gusto naming masigurado, kaya nagdesisyon kami na magpa-check up sa doktor. Excited pero nervyous ako ng sobra. Sabi nga nila, iba talaga yung confirmation ng doctor, lalo na kung first time mo ito.Nagising ako ng maaga. Naramdaman ko yung halo-halong kaba at saya sa dibdib ko. Habang nagbihis ako, paulit-ulit ang tanong sa isip ko. Ano kaya sasabihin ng doktor? Anong klaseng buhay ang haharapin namin ni Killian? Pero sa kabila ng lahat, ramdam ko na hindi ako nag-iisa. Kasama ko siya. Yung tao na dati'y boss lang sa akin, pero ngayon ay higit pa sa kahit ano. Siya ang naging lakas ko.Pagdating namin sa clinic, sinalubong kami n

  • Contract of Hearts   CHAPTER 54

    AMARA'S POINT OF VIEW Isang ordinaryong araw lang nang mapansin ko na may mali sa aking katawan. Nagising ako ng mas maaga kaysa sa usual, at unang bagay na napansin ko ay ang hindi ko pagdanas ng gutom. Kadalasan, ang unang bagay na gumigising sa akin ay ang matinding pangangailangan ko ng pagkain. Pero ngayon, tila walang gana ang aking katawan."Amara, are you okay?" tanong ni Killian mula sa kitchen. Bumabagsak ang liwanag mula sa araw, dumadaan sa mga bintana ng aming bahay, kaya't nakakaramdam ako ng pagkahilo. Habang binabaybay ko ang daan patungo sa kusina, sumagi sa isipan ko ang mga posibleng dahilan ng nararamdaman ko. Pero ang hindi ko matanggal sa isip ko ay ang isang bagay—ang hindi ko pagpapakita ng buwanang dalaw.Isang linggo na ang nakalipas simula nang huling dalaw ko, at mula noon, wala na akong naramdamang anuman. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang calendar app, at doon ko nalamang na talagang na-late na ako. Dalawang linggo na, at nag-aalala na ako. Gus

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status