AMARA'S POINT OF VIEW Maaga pa lang, gising na ako. Pero hindi dahil may kailangan akong gawin, kundi dahil naramdaman ko ang presensya ni Killian sa labas. Sa gilid ng bintana, kita ko siya—nakaupo sa harap ng bahay, may hawak na tabo, tila nagsasalin ng tubig sa maliit na drum. Nakasuot siya ng puting sando at lumang shorts na pinahiram ni Tito Rudy, at kung hindi ko pa siya kilala, iisipin mong tagarito na siya sa amin.“Ang aga mo naman,” bati ko habang lumabas ako, naka-jacket pa’t may muta pa sa mata.Tumingin siya sa’kin at ngumiti ng tipid. “Akala ko kasi kailangan mo ng tubig sa banyo. Naubos kahapon, ‘di ba?”Nagkibit-balikat ako, pilit pinipigilang ngumiti. “Hindi mo kailangang gawin ‘yan, Killian.”“Alam ko,” sagot niya habang itinuloy ang ginagawa. “Pero gusto ko.”Napakamot ako sa batok. Ang weird. Hindi namin napag-uusapan, pero parang may unspoken agreement na kami. Na kahit hindi malinaw ang lahat, gumagalaw kami na parang… kami.Kagabi, kasama namin ang mga kapitbah
Terakhir Diperbarui : 2025-04-23 Baca selengkapnya