LUNA's POV Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong parang umaakyat ang kung ano mula sa sikmura ko—mainit, mabigat, at parang may gustong lumabas. Mabilis kong tinungo ang banyo at halos madapa pa ako sa pagmamadali. Pagdating ko sa banyo, napaluhod ako sa harap ng toilet bowl, sabay yuko—at doon na nga, buong pwersang sumabog palabas ang laman ng sikmura ko. Napapikit ako habang sinusubukang huminga. Mainit ang likod ng leeg ko, nanlalambot ang tuhod, at pakiramdam ko, mauubusan ako ng lakas kahit kagigising ko lang. "Ganyan talaga kapag buntis," dinig kong sabi ni Mama mula sa kusina. Nagmumugmog ako sa lababo, sinusubukang alisin ang pait sa lalamunan. Nakaramdam din ako ng kaunting hilo, kaya sapo-sapo ko ang noo habang dahan-dahang naglakad papunta sa kusina at naupo sa pinakamalapit na silya. Is it really necessary to suffer from morning sickness since I am pregnant? Ang unfair lang. "Ayan na, anak. Uminom ka muna nito habang mainit-init pa," inabot sakin ni mama
Last Updated : 2025-05-04 Read more