KABANATA 1 – Kasal at KasunduanMaingay ang paligid, pero sa pandinig ni Elaine Santos, tila lahat ay naging tahimik.Nakatayo siya sa harap ng isang dambuhalang salamin, suot ang isang puting bestidang hindi naman kanya. Ang mga alahas na kumikislap sa kanyang katawan ay hindi rin kanya. Ang bawat hikaw, ang kwintas na may diyamante, at ang manipis ngunit mamahaling belo na tinatakpan ang bahagi ng kanyang mukha—lahat ay simbolo ng isang buhay na hindi niya pinangarap.Ang kasal na ito ay hindi para sa pagmamahalan. Isa itong kasunduan."Ready ka na, Elaine," sabi ni Julia, ang event coordinator na ni hindi siya tinignan sa mata. Para bang isa lamang siyang prop sa entabladong ito ng kayamanan.Tumango siya, bagamat mabigat ang dibdib. Mula sa likod ng kurtina, tanaw niya ang pulutong ng mga bisitang mayayaman—mga politiko, business tycoon, at sikat na personalidad. Sa altar, nakatayo na si Aidan Velasquez. Matangkad, maamo ang anyo, ngunit malamig ang mga mata.Ito ang lalaking papa
Huling Na-update : 2025-05-13 Magbasa pa