Tahimik ang buong bahay. Ang mga ilaw ay nakadim, at tanging malambot na ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay ng init sa malamig na gabi. Nasa sala pa rin silang tatlo, tila ayaw pang bumitaw sa kasamang iyon. Ngunit sa puntong ito, nagbago na ang kanilang ayos.Si Xavier ay nakaupo sa sofa, nakasandal, ang mga bisig ay nakapulupot kay Aurelia na nakaupo sa kanyang kandungan. Nakasandal naman si Aurelia sa dibdib niya, ramdam ang bawat tibok ng puso nito na parang paulit-ulit na sinasabi, Narito ako. Hindi kita bibitawan. Sa ibabaw ng kanyang hita, nakahimlay si Anchali, mahimbing na natutulog, ang maliit na dibdib ay mahinahong umaangat at bumababa. Ang mga kamay ng bata ay bahagyang nakayakap sa bewang ni Aurelia, para bang kahit sa pagtulog, ayaw nitong lumayo sa kanya.Hinagod ni Xavier ang buhok ni Aurelia gamit ang kanyang palad, banayad, marahan, na para bang pinapakalma ang isang pusong matagal nang pagod.“You’re warm tonight,” bulong niya, mababa at halos dumadampi ang hini
Last Updated : 2025-09-06 Read more