Tahimik ang buong bahay. Sa kuwarto, nakahimbing na si Anchali, mahigpit na nakayakap sa kanyang paboritong stuff toy. Maingat na isinara ni Aurelia ang ilaw, saka dahan-dahang lumabas ng silid upang hindi ito magising.Habang naglalakad siya pabalik ng sala, ramdam niya ang bigat ng mga sinabi niya kanina. Sa isip niya, malinaw pa rin ang mga mata ni Xavier—matalim, puno ng pagnanais, at halos hindi matanggap ang katotohanang ipinapaalala niya. Ngunit sa kabila ng lahat, alam ni Aurelia na mahal ni Xavier si Anchali. At siya man, kahit nagkakainitan sila ng ulo, ay hindi matatawaran ang pagmamahal sa bata.Nadatnan niya si Xavier na nakasandal sa sofa, nakapikit ngunit gising pa, hawak-hawak ang walang lamang baso ng alak. Malalim ang hininga nito, para bang sinusubukang pakalmahin ang sarili.Maingat na lumapit si Aurelia. Sa halip na umupo sa kabilang dulo, marahan siyang umakyat sa kandungan nito at umupo paharap sa kanya. Nabigla si Xavier, dumilat, at agad na kumunot ang noo.“A
Last Updated : 2025-09-09 Read more