Chapter 113
Calista POVNagpaalam muna ako. Hindi ko na kayang manatili pa roon. Parang ang sikip-sikip ng paligid, kahit gaano kalawak ang sala ni Levi. Parang nauubusan ako ng hangin habang nakikita silang magkadikit—si Elise at si Princess.“Calista,” narinig kong tawag ni Levi habang papalabas ako ng pinto. Hindi ko siya nilingon.Kailangan ko munang umalis.Paglabas ko ng bahay, ramdam ko ang lamig ng hangin, pero mas malamig ‘yung loob ko. Ang tagal kong pinangarap na magkaroon ng ganitong klaseng pamilya. Isang lalaking mamahalin ako, isang batang magpapatawa sa akin araw-araw, at isang tahanang may halakhak at pagmamahal.Pero ngayon… ngayon parang naputol ang eksenang matagal kong binuo.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung galit ba ako kay Elise. Hindi ko rin masabing kay Levi ako dapat magtampo. Pero ang totoo—mas galit ako sa sarili ko.Galit ako kasi napaasa ko ang sarili koChapter 115Calista POV"Bumalik na tayo sa loob. Hindi ko hahayaang iwan mo uli ako," sabi ni Levi, mahina pero mariin. Wala sa tono niya ang dati niyang lamig—ang tanging naroon ay takot… at pagmamakaawa.Napatingin ako sa kaniya. Gusto kong maniwala. Gusto kong paniwalaan na sa kabila ng lahat, may lugar pa rin ako sa buhay nila. Pero may tinig sa puso kong paulit-ulit na nagtatanong: Paano kung isang araw, pagsisihan mo 'to?"Levi..." bulong ko, "Hindi ako sigurado kung ito ang tamang panahon para bumalik."Humakbang siya palapit. “Hindi ako naghahanap ng tamang panahon, Calista. Ang alam ko lang, kapag pinakawalan pa kita ulit, baka hindi na kita makita.”Natigilan ako. Kasabay ng katahimikan ay ang mahinang hangin na humahaplos sa pisngi ko. Isang parte sa akin ang gustong kumapit sa kaniya—pero may isa ring bahagi na punong-puno ng takot. Hindi dahil wala na akong nararamdaman, kundi dahil sobra pa rin.“Sira ako, Levi
Chapter 114 — Levi & Calista POVLevi POVNasaktan ako. Mas higit pa sa inaasahan ko.Nakita ko kung paano niya pilit kinukubli ang sakit. Nang makita kong lumabas siya sa bahay, hindi ko na napigilan ang sarili kong sundan siya. Naiwan si Elise at si Princess sa loob—pero ang atensyon ko, nandoon sa babaeng lumalakad palayo.Doon ko siya nakita, kasama si Ate Marcia. Umiiyak. Gusto kong lapitan agad, pero alam kong kailangan niya ng sandalan. Sa huli, si Ate Marcia ang unang bumitaw at lumapit sa akin.Napatingin siya sa akin, saglit lang, bago siya umalis nang walang sinasabi. Tila ba sinasadya niyang kami na lang ang matira.Calista POV“Babalik ako, kukuha lang ako ng maiinom mo’t snacks mo sa sasakyan,” ani Ate Marcia habang pinupunasan ang luha ko.Tumango lang ako. Wala sa loob. Parang wala pa rin akong malay sa bigat na dala ko.Pero isang mahinang “ahem” ang nagpabalik sa akin sa ulirat.Na
Chapter 113Calista POVNagpaalam muna ako. Hindi ko na kayang manatili pa roon. Parang ang sikip-sikip ng paligid, kahit gaano kalawak ang sala ni Levi. Parang nauubusan ako ng hangin habang nakikita silang magkadikit—si Elise at si Princess.“Calista,” narinig kong tawag ni Levi habang papalabas ako ng pinto. Hindi ko siya nilingon.Kailangan ko munang umalis.Paglabas ko ng bahay, ramdam ko ang lamig ng hangin, pero mas malamig ‘yung loob ko. Ang tagal kong pinangarap na magkaroon ng ganitong klaseng pamilya. Isang lalaking mamahalin ako, isang batang magpapatawa sa akin araw-araw, at isang tahanang may halakhak at pagmamahal.Pero ngayon… ngayon parang naputol ang eksenang matagal kong binuo.Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung galit ba ako kay Elise. Hindi ko rin masabing kay Levi ako dapat magtampo. Pero ang totoo—mas galit ako sa sarili ko.Galit ako kasi napaasa ko ang sarili ko
Chapter 112Calista's POVTahimik ang buong sala habang hinihintay naming bumalik si Levi mula sa pagkuha ng inumin sa kusina. Nandito kami ni Princess sa couch, pinapanood ang cartoons, habang yakap ko siya sa gilid. Pero mula nang bumalik si Levi at tumayo sa tapat ng pintuan, hindi na siya mapakali. Para bang may inaabangan siya.Napansin ko ang mga mata niya—hindi matanggal sa may pinto.“May kasama ka?” tanong ko sa kaniya, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit may kaba na akong nararamdaman.“Actually... meron.” Mahinang sagot niya, sabay irap ng tingin sa akin. “Come in.”Naguluhan ako. Pero bago pa man ako makagalaw, bahagyang pumulupot ang isang braso niya sa beywang ko—mainit, mahigpit, protektado.Napalingon ako sa kaniya, pero bago ko pa man maitanong kung ano’ng ginagawa niya, narinig ko na ang isang pamilyar at bata ring tinig.“Sino po, Daddy?” tanong ni Princess na noon ay tumayo mula sa sofa, medyo
Chapter 111Calista’s POVTahimik ang paligid habang nag-aayos ako ng mga pinagkainan sa kusina. Hindi pa rin nawawala sa labi ko ang ngiti. Parang surreal pa rin ang lahat — na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko, heto ako ngayon, kasama ang lalaking dati ay mailap at ang batang buong puso akong tinanggap.“Ang sarap ng tulog natin kagabi, ‘no Yaya?” masiglang bungad ni Princess habang lumalapit.Tumango ako habang pinupunasan ang mesa. “Oo nga, parang ayaw ko nang gumising.”“Pero hindi na ako dapat tawagin na yaya, ‘di ba?” sabay ngiti niya.Napahinto ako. “Bakit naman?”“Eh kasi sabi ni Daddy, hindi na lang basta yaya ang tingin niya sa’yo… eh ako din po, hindi lang kita yaya… ikaw ang mommy ko.” Sabay yakap sa baywang ko.Niyakap ko siya pabalik, ramdam ang init ng kanyang pagmamahal. At sa isip-isip ko, kahit kailan ay hindi ko inaasahan na maririnig ko ang mga salitang ‘yon — mula sa anak niya.Pero
Chapter 110 — "Unshaken Focus"Levi’s POVAng tunog ng keyboard sa opisina ang nagsisilbing background music ng buong araw ko. Ilang beses ko nang tiningnan ang orasan, pero parang ayaw umusad ng oras kapag hindi ko sila kasama.Nakakunot ang noo ng assistant ko habang iniaabot ang bagong pile ng contracts. "Sir, may final draft na po ng agreement with the Korean investors. They’re asking if you can attend the video call by 3 PM."Kinuha ko ang folder at sinulyapan. "Ayusin mo na. And tell them I’ll be ready."Tumango siya at agad na umalis. Naiwan akong mag-isa sa opisina ko. Malinis ang mesa, pero magulo ang isip. Ang dami kong iniisip: mga numero, expansion proposals, scheduling issues — pero kahit anong sipag ko sa trabaho, hindi nawawala sa isip ko ang dalawang naiwan ko sa bahay.Calista.Princess.Pumikit ako sandali at pinatong ang dalawang daliri sa sentido ko. “Focus, Levi.”Pero kahit anong pilit