"KAILAN mo ba nais sabihin sa lahat na asawa mo ako.." nakayakap si Asher sa baywang ni Roselynn habang nakasilip sila sa bintana ng opisina, "gustong gusto ko ng hawakan ang mga kamay mo, at yakapin ka sa harap ng ibang tao..""Hoy, ina-appropriate kaya yun!" ngumuso si Roselynn saka bahagyang itinulak ang lalaki sa kanyang likuran, "saka, ayoko naman na maging mabait sa akin ang lahat, ng dahil lang sa asawa mo ako no..""Eh bakit naman? previledge nga nila na mapalapit sa asawa ng boss eh.." pangungulit niya, "saka, alam na naman nila na ikinasal na ako.""Kahit na.. basta, iwasan mo na lang. Kapag hindi ka nakinig sa akin, hindi ako tatabi sayo matulog."Nanlaki ang mga mata ni Asher sa pababanta ng asawa. Ibig sabihin, seryoso ito sa sinasabi sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang mapakamot sa ulo, saka ngumuso.Naalala pa niya, noong minsang nakulitan ito sa kanya, sa uest room ito natulog. Ang ending, nakamulat siya magdamag. Hindi pa naman siya makatulog hanggang hindi niya na
Last Updated : 2026-02-05 Read more