Share

58

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2025-08-24 20:35:32

Nanlamig ang pakiramdam ni Roselynn. Para bang biglang bumigat ang dibdib niya sa narinig. Hindi siya agad nakasagot, at nakatitig lang kay Asher na matalim ang tingin sa kanya.

“Sir, m-mah imposible… h-hindi ako—” nauutal niyang sagot, habang halos malaglag ang laptop na hawak niya.

“Imposible?” ulit ni Asher, mariing nilapag ang hawak na laptop sa mesa. Tumunog iyon nang malakas, dahilan para mapaatras si Roselynn. “Miss Palomar, ang file na ito ay confidential. Isa lang ang ibig sabihin nito: may nagtatraydor sa atin. At ang huling taong may hawak nito kagabi… ikaw.”

Nanlaki ang mga mata niya. Biglang bumalik sa isip niya ang eksena—ang pagmamadali nila ni Drake kagabi, ang gulong nangyari, at ang pag-alis nila mula sa sasakyan. Naiwan nga sa kotse ni Drake ang file case na hawak niya!

“Sir… may paliwanag ako,” mabilis niyang sambit, pero nanginginig ang boses niya. “Oo, dala ko ang file kagabi pero hindi ko naisip na—”

“Na ano?” singit ni Asher, malamig at mapanganib ang tono. “Na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   60. Si Becky

    Parang may mabigat na kadena ang bawat salitang binitawan ni Asher. Kahit pinipilit niyang magpakita ng tapang, ramdam ni Roselynn na kumakapit sa kanya ang takot. Hindi niya alam kung dapat ba siyang makaramdam ng ginhawa dahil may bahid ng paniniwala si Asher sa kanya, o lalo siyang kabahan dahil tila mas nakikilala siya nito kaysa sa sarili niya.“Opo, Sir,” mahina niyang sagot, pilit na inaalis ang kaba sa boses niya. “Dadalo po ako sa meeting.”Ngumiti si Asher, ngunit hindi iyon ngiting magaan—ngiting puno ng misteryo. “Magaling. Huwag kang mag-alala, Roselynn. Sa oras na mahuli natin ang traydor, makikita nilang lahat kung sino ang tunay na dapat pagkatiwalaan.”Kasabay ng pagtapik nito sa balikat niya ay biglang bumalik ang kuryente. Kumislap ang mga ilaw sa buong palapag, at tila wala nang nangyaring kaguluhan. Ngunit para kay Roselynn, mas lumalim ang dilim sa loob niya.***************Kinabukasan.....Nagising si Roselynn ng hapon na. Wala siyang nagawa kundi sumunod sa bi

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   59. Saan ko siya hahanapin

    Parang naipit sa matalim na gunting ang mundo ni Roselynn. Sa bawat salita ni Asher, pakiramdam niya’y dahan-dahang kinakalas ang hininga niya. Gusto niyang sumigaw, magpaliwanag, tumakbo palayo—pero nakapako siya sa titig nitong tila ba alam ang lahat ng itinatago niya.“Sir…” halos pabulong ang tinig niya, nanginginig ang mga daliri. “Hindi ko alam kung anong ibig n’yo talagang sabihin.”Nagtagal ang katahimikan bago muling nagsalita si Asher. “Huwag mong ipakita sa akin ang mukha ng isang taong inosente, Roselynn. Hindi ko iyon binibili. Kung talagang wala kang kinalaman sa pagkawala ng file, may paraan para mapatunayan mo.”“Anong paraan?” mahina ngunit matatag ang tinig niya.“Alamin mo kung sino ang totoong traydor. Pero tandaan mo—hindi ka dapat magkamali. Kapag itinuro mo ang maling tao, ikaw ang mananagot.”Naglakad si Asher palayo, iniwan siyang nanginginig at tuliro sa gitna ng opisina. Naramdaman niyang parang bumagsak ang mga pader sa paligid niya. Isa siyang bihag sa isa

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   58

    Nanlamig ang pakiramdam ni Roselynn. Para bang biglang bumigat ang dibdib niya sa narinig. Hindi siya agad nakasagot, at nakatitig lang kay Asher na matalim ang tingin sa kanya.“Sir, m-mah imposible… h-hindi ako—” nauutal niyang sagot, habang halos malaglag ang laptop na hawak niya.“Imposible?” ulit ni Asher, mariing nilapag ang hawak na laptop sa mesa. Tumunog iyon nang malakas, dahilan para mapaatras si Roselynn. “Miss Palomar, ang file na ito ay confidential. Isa lang ang ibig sabihin nito: may nagtatraydor sa atin. At ang huling taong may hawak nito kagabi… ikaw.”Nanlaki ang mga mata niya. Biglang bumalik sa isip niya ang eksena—ang pagmamadali nila ni Drake kagabi, ang gulong nangyari, at ang pag-alis nila mula sa sasakyan. Naiwan nga sa kotse ni Drake ang file case na hawak niya!“Sir… may paliwanag ako,” mabilis niyang sambit, pero nanginginig ang boses niya. “Oo, dala ko ang file kagabi pero hindi ko naisip na—”“Na ano?” singit ni Asher, malamig at mapanganib ang tono. “Na

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   57. Sino ang nagleak ng proposal?

    Nagkatitigan sina Roselynn at Drake nang huminto ang sasakyan sa mismong harapan ng bahay ni Drake. Ang kanyang mga mata ay nanlaki, habang si Roselynn naman ay napakapit sa balikat niya, halatang hindi makapaniwala sa nangyari.Hindi nila akalaing alam ng kanilang boss ang tahanan ni Drake.“Paano mo… paano mo nalaman ang address ko, Mr. Andrade?” malamig na tanong ni Drake, mabigat ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Ramdam niya ang pagdududa na unti-unting nagiging galit. Hindi niya alam, na ganoon pala kaobservant si Asher.Nag-inat ng leeg si Asher, parang nag-eenjoy sa reaksyon ni Drake. “Drake Yulo,” mahinahong tugon niya, “empleyado kita. At bilang isang tao na may malaking responsibilidad sa kumpanyang pinagtatrabahuhan natin, hindi mahirap para sa akin na malaman ang mga detalye tungkol sa mga taong mahalaga. Isa pa, kailangan, alam ko ang lahat sa inyo, dahil nagtatrabaho kayo sa akin.. ibig sabihin, katuwang ko kayo sa negosyo."“Mga taong mahalaga? Kailan ka pa n

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   56. Ilniligtas ni Mr. Andrade

    Halos lumaki ang ulo ni Drake ng marealize ang problema niya. Masyado ng maraming gulong ang nasira, at sa oras na iyon, wala siyang makikitang vulcanizing shop. Mukhang kailangan niyang iwanan ang sasakyan niya sa lugar na iyon.Biglang dumating ang sasakyang kulay itim. Isang luxury car na hindi maaaring sa isang ordinaryong tao lang.Bumukas paangat ang pintuan ng passenger at backseat.Nakita nila si Asher, nakaupo iyon doon, na parang alam na naroroon sila."Get in!" malakas na sabi nito."Hindi na sir, magtatawag na lang kami ng grab.." sagot ni Roselynn saka kinuha ang phone.Sa hindi inaasahang pangyayari, walang signal sa lugar na iyon, samantalang kanina naman ay meron!"Anong oras na? saan pa kayo magtatawag? mukhang malayo itong pinuntahan ninyo, at hindi lahat, nararating ang lugar na ito." naiiling na wika ni Asher sa kanila, "empleyado ko kayo, kaya responsibilidad ko naman na maalagaan ang inyon siguridad."Nagkatinginan sina Roselynn at Drake. Kitang-kita sa mukha ng

  • No Strings Attached:The Zillionaire Alluring Surrogate Woman   55. Butas na gulong

    Pagkatapos ng ilang minuto ng katahimikan sa mesa, unti-unti nang lumuwag ang loob ni Roselynn. Hindi man niya lubos na mapawi ang hinanakit, may bahagi ng puso niyang humihiling na baka nga tama si Drake—baka may pagkakataon pa silang magsimula muli.“Roselynn,” basag ni Drake sa katahimikan, “kung pwede lang, simulan natin ulit. Hindi gaya ng dati… kundi mas totoo, mas malinaw.”Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko alam kung kaya ko, Drake. Hindi ako sigurado kung may tiwala pa akong natitira.”Bago pa siya muling makasagot, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Pagtingin niya, pangalan ni Asher ang lumitaw sa screen. Napakurap siya at hindi sinasadyang nahulog ang telepono sa ibabaw ng mesa.Nanlaki ang mata ni Drake, pero hindi nagsalita. Sa halip, bahagya niyang pinipigilan ang sarili. “Siya na naman?” mahina ngunit puno ng bigat na tanong nito.Kinuha ni Roselynn ang telepono at pinatay ang tawag, pilit pinapakalma ang sarili. “Huwag mo na lang pansinin. Hindi na ‘yon mahalaga.”N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status