แชร์

Chapter 3: Haunting Feeling

ผู้เขียน: BuzzyBee
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-06 18:20:12

“Sir James, nakapirma na po yung construction company para sa project na gusto niyo and they can start next month. Bibisita po sa site next week yung architect at engineer nila.” inilapag ng sekretary niya ang folder sa mesa. Agad naman iyong tiningnan ng lalaki. 

“Good. We'll have a perfect place for the business.” Ngumisi ang lalaki. 

May itsura ito at nakadagdag sa angas ng boss niya ang maliit na bakas ng tahi sa gilid ng kilay nito. Ilang taon na din siyang sekretarya at ilang babae na din ang nagamit ng boss niya at lantarang dinadala sa opisina. Laking pasalamat niya dahil kahit kelan hindi ito nagka-interes sa kanya, marahil dahil may anak na siya. 

Napabuntong hininga si Kayla paglabas ng opisina ng boss niya. Palagi siyang kinakabahan tuwing pupunta sya doon, lalo na pag dumarating ang mga bruskong tauhan nito. 

“Uy Kayla! Ayos ka lang?” natatawang sita ng katrabaho niya pag dating niya sa pantry. 

“O-Oo, lagi lang ako ninenerbyos pag magrereport kay boss.” sagot niya habang kumuha ng mug para sa magtimpla ng kape.

“Naku alam mo naman ang daming naiinggit sayo dahil ikaw ang secretary ng CEO natin.” dagdag pa ng kasama. 

“Sus! Kung alam lang nila ang kaba ko palagi. Hindi ko lang maiwan tong trabhao na to dahil dito sa lugar natin ito na ang isa sa mataas magpasahod no.”

Kumibit balikat ang katrabaho niya. “Sabagay. Kahit ako eh. Di ko na kelangan pumunta ng Maynila para makipagsapalaran kung halos same naman ng sahod dito.”

“Tumpak!” tinaas niya ang baso ng kape bilang pag sang-ayon saka bumalik sa pwesto niya. 

Sino bang hindi magkakagusto sa isang James Tuazon? Hindi lahat ng gwapo sa panahon ngayon eh mayaman, at nasa boss niya ang mga katangian na gusto ng isang babae, idagdag na magaling daw ito sa kama. 

Totoo naman na di siya don tatagal ng tatlong taon kung hindi maganda ang sahod, isa pa, madalas din naman wala sa opisina ang boss niya. Madalas niya itong ina-update sa tawag or online meeting. 

Nasa ganoong pag-iisip siya nang manlaki ang mga mata niya nang makita ang tatlong lalaki na brusko na patungo sa opisina.

“Good morning gorgeous!” bati ng mga ito sa kanya. Tumango lamang siya habang nakasunod ang tingin sa mga ito. “Hinahanap na naman kaya ni boss yung babaeng yun?” tanong niya sa sarili. 

Minsan kasi ay hindi sinasadyang nakita niya ang envelope na iniwan ng mga lalaking iyon sa opisina ng boss niya. Mukang may hinahanap itong babae at ayon sa mga tauhan nito ay hindi pa din nila matukoy kung nasaan ito. 

“Sino kaya yun? Ex-girlfriend niya? Asawa?” muli niyang tanong sa sarili. Sa tagal niya don ay kabisado na niya ang lalaki—

Crash!

Napasiklot siya ng marinig ang sunod-sunod na pagbabasag nito sa opisina. Napailing na lamang si Kayla.

“Sino kaya yung babae na yon at ganun na lang siya?”

*****

Lunes. 

Unang araw ni Naomi kaya kailangan niyang pumunta ng opisina para pumirma physically ng kontrata at mag meeting kasama si Andrew. Si Andrew ang direct contact niya sa mga concerns niya, ito din ang tumatayong direct manager niya. 

“Hi Andrew I'm on the way.” sabi niya sa tawag habang tinatahak ang daan. Tanaw na tanaw naman ang mataas na building ng kumpanya. 

“Okay babe! I'll wait for you in the lobby.” magiliw naman na sagot ng lalaki. 

Napangiti na lamang si Naomi sa energy at vibe ni Andrew. Hindi na siya nag-abalang sumakay ng taxi dahil ten minutes walk lang naman ang company mula sa tinutuluyang condo. Hindi naman siya araw-araw papasok ng opisina, pero kailangan niyang pumunta madalas sa site para makita mismo ang lugar na kailangan ang skills niya. 

“Naomi!” kaway ni Andrew pagpasok na pagpasok niya. Kumaway siya dito pabalik. Inikot niya ang paningin sa lobby ng kumpanya, napaka-elegante ng dating non. 

“Welcome to Atlas Engineering Corporation!” mataas pa din ang energy netong si Andrew. 

“Hi! So, what's there to meet?” 

“Grabe naman work na work ka naman. Ito-tour muna kita then ipapakilala kita sa CEO ng company. After that let's have a meeting.” 

“Alright!” tango niya dito. Kaya din siguro mabilis siyang napa-oo sa isang taong kontrata sa Atlas ay dahil sa personality ni Andrew. Isa pa, mahilig siyang makipagkaibigan sa mga beki. 

“O sya let's go! Tara muna sa cafeteria.” inilibot siya ni Andrew sa mga importanteng offices at departments sa Atlas. Nag-enjoy naman siya dahil buong weekend lang din siya sa loob ng unit at nagpahinga. 

“Alam mo madalas wala si Sir Bryce, mahilig kase yun bumisita sa mga site…alam mo na…” pabitin pang wika ng kasama habang naglalakad sila at may parang nais sabihin ang mga mata nito. 

“Hmmm…ganon naman talaga pag boss, hands-on.” sagot naman ni Naomi. 

“Ay pak! Hands-on na hands-on.” sabi nito habang umaarte pang may humahawak sa katawan niya. 

“Ba't parang ang laswa?” nagkatawanan silang dalawa. 

“Alam mo yan si Sir Bryce, puro lalaki ang personal secretary niyan. Yung secretary sa labas ng office nasa 40s na.”

“Oh anong masama dun?” kunot-noong tanong ni Naomi.

“Ano ka bang bakla ka! You know, our boss is like the other guys out there na mahilig sa S.”

Napamaang si Naomi. “Aahhh…so?” pakiramdam niya kasi hindi niya yun business. 

“Wala. Ingat ka lang baka matipuhan ka non.”

Umikot ang mata niya kay Andrew. 

“As if naman! Malamang kaya siya kumuha ng nasa 40s na secretary ay para makaiwas sa office romance.”

Natigil naman si Andrew. “Sabagay may point ka don.” 

“Ikaw talagang bading ka.” 

Tumawa ito. “Anyway, ang office ni boss eh sa pinaka top floor. Mahilig kase yun sa naka-top.”

“Andrew!” 

Tumawa naman ang kasama sa reaction nya.

“Wow ha! V na V ka girl. Wala ka bang naging jowa sa Hawaii.”

“Wala.” irap niya dito. 

“Ay taray!” 

Habang nakasakay sa elevator paakyat ay kinukulit pa din siya ni Andrew.

“Here we go.” nagpatiuna si Andrew at nagtungo sa table ng isang babae. Sa tingin ni Naomi ay eto na yung secretary ng CEO. 

“Hi Madam Castro, anjan ba si boss?”

“Naku Andrew kakababa lang. Nagmamadali, may urgent meeting daw kasi sila.”

“Ay ano ba yan! Ipapakilala ko sana etong bagong designer natin.”

“Hello I'm Mrs. Castro.” ngumiti ang babae sa kanya at nakipagshake hands sa kanya.

“Naomi po.”

“Ang gandang bata naman neto. Naku wag ka masyado nagsasasama dito kay Andrew, mahilig tong gumimik.”

“Grabe ka naman sakin Madam. O sya! mauna na kami tawagan mo ako pag nandito si boss para naman mapakilala ko tong talent ko na nakuha ko pa sa Hawaii.”

“Ay siya ba yon? Naku sana mag-enjoy ka dito sa kumpanya.” 

“Maraming salamat po.”

Matapos ang maiksing pag-uusap ay nagtungo na sila sa opisina ni Andrew. 

“Jan ka sa spare na table if nandito sa office.” tinuro nito ang table na katabi lang naman niya. 

“Wow talagang may sarili pa akong table ah.” aniya at naupo sa swivel chair. 

“Shempre para naman maconvince kita next contract dito.” 

Natawa siya sa tinuran nito. 

“Okay let's start. Bale eto yung next project ng Atlas. Bago lang to, fresh na fresh. Nagkapirmahan na para dito, pero kanina nag-email yung company na yan ng details ng design so gusto daw nila ng options, asap bukas.”

Tiningnan ni Naomi ang project na inabot sa kanya ni Andrew. 

“Hmmm…so it's a hotel and resort.” komento niya habang pinapasadahan ang papel na hawak.

“Yup and not just that. Kasi yayamanin ang resort na yan, may yacht for rent for any occasions. Malawak ang resort na yan actually. Isasama kita on Friday. Tapusin mo muna yung mga designs na sa tingin mo eh akma sa panlasa ng may-ari niyan.”

“I see. No problem. Did they mention particular details?”

“Ah yeah. I'll send you via email, so you can work it out girl!”

“Okay.” Tumango si Naomi. “Is this my computer here?” turan niya sa desktop sa table niya. 

“Of course. Anjan yung company log in details mo. Here din yung physical contract. One for you and one for the company.”

“I'll sign.”

“By the way, maiwan muna kita dit. Just go home when you feel like going. I have to go to another meeting too.”

“Sure no problem.” ngumiti siya sa kasama. 

Pagkalabas ni Andrew ng opisina ay agad niyang binuksan ang sariling computer at sinimulang magtrabaho. Marami na siyang initial designs na sa tingin niya ay pasok sa mga request ng kliyente. Dinagdagan na lamang niya ito ng ilang details na nakasaad sa sinabi ng mga ito. 

Her past years were not easy. Mabuti na lamang at may contact siya sa dating inampon din kinagisnan niyang pamilya. 

Five years ago.

Madaling araw ay dali-daling nagtungo si Naomi sa isang gym kung saan siya sikretong nagwo-work out para unti-unting makapagtago ng personal na gamit sa inokupang locker. Kahit may kirot siyang nararamdaman sa pribadong parte ng katawan niya at tila nanghihina pa ay pinilit niyang makarating doon. 

Agad niyang binuksan ang locker at kinuha ang isang bagpack na may lamang ilang gamit, mahahalagang papeles at pera. Kaagad siyang naligo at nagbihis saka tumawag sa kinakapatid. 

“H-Hello…” namamaos na panimula niya. 

“Hello? Naomi?” nag-aalalang sagot ng kinakapatid nang marinig ang boses niya. 

“A-Ate Kira…” hindi na nya napigilang humagulgol nang marinig ang boses ng ate Kira niya. Agad niyang sinabi ang sitwasyon niya. 

“Handa na ako ate. Lilipad ako jan ngayon din.”

“Mag-iingat ka Naomi. You better change your phone. Aantayin kita sa airport, just give me an update.”

“Sige ate Kira.”

Lumuwas siya agad ng Maynila para makabili ng ticket patungong Hawaii. Matagal at pasimple siyang nag-asikaso ng mga dokumento para sa ganitong sitwasyon. Sa tulong pa din ni Kira. 

Matagumpay siyang nakarating ng Hawaii. Tinuloy niya ang pag-aaral hanggang sa nagkatrabaho na din siya doon. Habang si Kira ay masaya sa sariling pamilya na nabuo nito sa ibang bansa, matapos tumakas sa mga umampon sa kanila. 

Abala siya sa pagtatrabaho nang tumunog ang cellphone niya. Magiliw niya itong sinagot.

“Hi ate!”

“Kamusta ka na jan? Sinasabi ko sayo ha, kinakabahan ako jan sa desisyon mo.”

“Wag kang mag-alala ate Kira. I'm sure hindi kami magtatagpo dito. Tyaka diba sinabi ko naman sayo na sa bahay pa din ako madalas. Madalang ako pupunta ng opisina. Isa pa malayo naman yung probinsya natin.”

“Nag-aalala lang ako sayo, pati etong si Morris nagwo-worry din sayo.” turan nito sa asawa.

“One year lang ito ate Kira. Namimiss ko na nga yang mga bata eh. Wag mo na ako masyado isipin baka mastress lang yang pamangkin ko hindi pa nga nakakalabas eh.” 

Natawa si Kira sa tinuran niya. Limang buwan na kasi ang tiyan nito sa pangatlong anak nila ni Morris. 

“O sya sige na. Basta magdodoble ingat ka jan. Maliit lang ang mundo.”

“Got it ate!”

Huminga siya ng malalim pagkababa ng tawag. 

“Is it possibile na makita nila ako?” may namuong takot sa dibdib niya. 

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Escaping From My Knight   Chapter 7: Clinging

    “Wow! Right on time. Akala ko papasukin na kita sa room mo eh.” ngingiti-ngiting sabi ni Bryce nang makita niyang naupo si Naomi sa harap niya. Gosh! She’s more gorgeous now. Napalunok siya ng makitang nakatitig lang ito sa kanya. Iba kasi ang tumatakbo sa isip niya nang makita ang dalaga ngayon. “Let’s get everything straight Mr. San Lorenzo.”“Correction. I’m Bryce Conrad Alagos.”Tumaas ang kilay ng kaharap na dalaga. “I don’t use my father’s surname. I’m not comfortable.”“Whatever. I will withdraw my contract with your company.”Ngumisi ang binata. “You think it’s easy? You signed a year contract and if aalis ka you are going to pay ten folds of your one year salary.”“What?”“Yes darling. You are bound with us for a year and if you’re not aware, I take the contracts personally and meticulously, lalo na sa mga staff ko na kailangan ko. And you are one of them.” Nginitian niya ang di makapaniwalang si Naomi. “Professionally, you signed a contract and you need to stay.” dagd

  • Escaping From My Knight   Chapter 6: Hide and Seek

    Lilinga-linga si Bryce pagbaba ng yate. Hindi niya makita ni Naoimi, agad niyang tinanong ang papalapit niyang assistant. “Have you seen Miss Nepalis?” “No Sir.” iling nito. “Pinuntahan ko lang po kayo dito dahil may meeting po kayo after this.”“No. Cancel all my meetings. I need to find Naomi.” nagpatiuna siya pero muling nagsalita si Garry. “Pero Sir, that is the deal we hardly get.” pagrarason niya sa boss nila. Ilang revision ng proposal din ang nagawa nila bago nila nakuha ang isang malaking project. “Shit! Damn it!” naihilamos ni Bryce ang mga palad sa kamay niya. Hindi pupwedeng mawala sa kanila ang kliyenteng iyon dahil sigurado siyang makukuha ito ng San Lorenzo Corp. “Let’s go. I gotta find her after this meeting. Ask Andrew about Naomi.” nagmamadaling sumakay si Bryce sa kotse. “Ah…copy Sir.” kahit naguguluhan ay tumango na lamang si Garry at nagmamadaling sumunod dito patungong kotse. Habang nasa byahe ay laman ng isip ni Bryce si Naomi. It has been five long years

  • Escaping From My Knight   Chapter 5: Cursed Friday

    Friday. “Naomi, sa site na tayo magkita ha. Wag ka na dumaan sa office may ka-meeting din akong client ngayon. I'll try na makasunod sa site. If not, please ikaw na muna on my behalf. Gusto lang naman ng client na makausap ka for details and everything.” sabi ni Andrew sa tawag. Mukhang sobrang busy ito sa tono pa lang ng pananalita. Tila humahangos nga ito habang pinapaliwanag sa kanya ang gagawin niya. “Okay, I got you!”“O sige na, I'll see you when I see you, nandito na yung sasakyan ko.”“Alright ingat.”Pagkatapos nilang mag-usap ay minabuti niyang mag-asikaso na ng sarili para makapunta sa site kung saan itatayo ang hotel and resort ng kliyente nila. Confident naman siya na magugustuhan ng kliyente nila ang interior at lalo na ang exterior suggestions niya para sa yacht view. Io-offer din kasi ng business na iyon ang yacht rental. “Alright Naomi, today is your day!” ngumiti siya sa nang makuntento sa ayos niya. *****Paglabas ni James sa banyo ay saktong kagigising lang din

  • Escaping From My Knight   Chapter 4: Searching and Yearning

    “Welcome Mr. San Lorenzo!” bati ng isang lalaki pagkarating nya sa yate. Tumaas ang kilay niya. “Don’t call me that.”“Why? You are San Lorenzo after all.” “Titigil ka ba o itatapon kita jan sa dagat?” muli niyang tinitigan ng masama ang kaibigan. “Eto naman hindi na mabiro.” Tinapik niya si Bryce sa balikat. “Any news Ralph?”“Hay.” malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng kaibigan. “How many years has it been? You were one month old when your mother left you.”Nag igting ang mga bagang ni Bryce. “It’s because of my grandparents Ralph! Pinalayas nila ang nanay ko.”“Sigurado ka ba na hindi drama ang kwento sayo ng mayordoma nyo?”“Ralph, I have no reason para hindi maniwala kay yaya. She’s been taking care of me since my mom left. At ngayon retired na siya samin, pero hindi niya pa din ako nakalimutan.” Isang taon mula ng magretiro ang matanda eh, madalas pa din itong bisitahin siya sa opisina o kaya sa condo niya para ipaglinis at dalhan ng paborito niyang pagkain.“I hate

  • Escaping From My Knight   Chapter 3: Haunting Feeling

    “Sir James, nakapirma na po yung construction company para sa project na gusto niyo and they can start next month. Bibisita po sa site next week yung architect at engineer nila.” inilapag ng sekretary niya ang folder sa mesa. Agad naman iyong tiningnan ng lalaki. “Good. We'll have a perfect place for the business.” Ngumisi ang lalaki. May itsura ito at nakadagdag sa angas ng boss niya ang maliit na bakas ng tahi sa gilid ng kilay nito. Ilang taon na din siyang sekretarya at ilang babae na din ang nagamit ng boss niya at lantarang dinadala sa opisina. Laking pasalamat niya dahil kahit kelan hindi ito nagka-interes sa kanya, marahil dahil may anak na siya. Napabuntong hininga si Kayla paglabas ng opisina ng boss niya. Palagi siyang kinakabahan tuwing pupunta sya doon, lalo na pag dumarating ang mga bruskong tauhan nito. “Uy Kayla! Ayos ka lang?” natatawang sita ng katrabaho niya pag dating niya sa pantry. “O-Oo, lagi lang ako ninenerbyos pag magrereport kay boss.” sagot niya habang

  • Escaping From My Knight   Chapter 2: Still Playfull

    Hila-hila ni Naomi ang luggage habang naglalakad palabas ng airport. It’s been five years nang lisanin niya ang bansa para makapagsimula ng bago at malayo sa mga mapang-abuso niyang pekeng magulang. Kung hindi lang dahil sa kliyente niya ay hindi siya babalik. Malaki ang offer ng mga ito sa kanya ngunit kailangan nasa Pilipinas siya naka-base. Matagal na din naman na hindi siya umuuwi ng Pilipinas kaya pumayag na siya.“It’s just a year Naomi.” sabi niya sa sarili habang nag-aantay ng taxi. “After this you’ll be back to your normal life.”May three years na siyang nagtatrabaho bilang freelance interior designer pero sa Hawaii siya nakatira, sa loob ng ilang taon ay halos foreign client ang meron sya. Bukod tangi lang na mismong taga Pinas ang kliyente na gusto siyang kunin ngunit sa kabila ng malaking halaga ay dapat nasa bansa siya para upcoming biggest project daw ng kumpanya. Hawaii based din ang kliyente pero magkakaroon daw ito ng expansion sa Pilipinas kaya nais siyang isama di

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status