Iyak lamang ako nang iyak. Gusto kong itaboy ang kamay ni Zulan na may hawak na panyo at pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko pero sa kasamaang palad, nakagapos nga pala ang mga kamay ko.Iniiwas ko ang mukha ko sa panyong hawak niya, mukhang naramdaman niyang ayaw ko sa kanyang ginagawa kaya tumigil siya. Malalim pa rin ang paghinga ko, patuloy pa ring umaagos ang tubig mula sa aking mga mata, gusto ko itong patigilin pero ang bigat-bigat talaga ng puso ko, kahit anong pilit ko na pigilan ang sariling umiyak, hindi ko magawa. Na para bang may sariling mga utak ang mga luha ko. Tahimik siya, nakayuko at pinaglalaruan ang kanyang mga darili. Walang salita, walang tunog sa aming paligid maliban sa aking munting paghihikbi. Hindi siya sumabat sa mga singhal ko sa kanya, nanatili lamang siya tahimik, naramdaman niya rin siguro ang tension na namamagitan sa amin, dama niya ang galit na dinadama ko ngayon, ang pighati ko sa kanila. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa
Huling Na-update : 2025-09-13 Magbasa pa