Kasama ko ngayon si Alex na naghahanap ng trabaho, mahigit isang oras na kaming naglilibot sa paligid pero lahat sila ay hindi ako tinatanggap dahil hindi raw puwede magsama ng bata sa trabaho, kahit na sinabi ko na sa kanila na pagsamantala lang naman, kahit isang linggo lang. Hindi pa kasi ako nakahanap ng mag-aalaga kay Alex, hindi ko rin siya ma enroll kahit gustuhin ko man dahil wala naman akong hawak na dukomento sa kanya.Huminto muna kami sa may calenderyahan, kakain muna, nagugutom na rin kasi ako kahit na ang dami ko ng nakain kanina, ewan ko ba sa sarili ko kung bakit gutom na gutom ako ngayon. Gusto ko ng sandamakmak na kanin at maanghang na toyo na may sili at isda. Lahat ng gusto ko ay inorder ko, habang si Alex naman ang pumili ng kakainin niya, matiwasay kaming kumakain, ang init-init sa labas kaya nakakadama rin ako ng kaunting pagkahilo. Hindi ko inaalala ang sarili ko, mas inaalala ko si Alex, baka kasi mapano ito, sobrang bata niya pa para ma expose sa ganito ka
Последнее обновление : 2025-10-25 Читайте больше