“Ano’ng ibig mong sabihin, Cy?” Kinakabahang tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya. Dama ko ang matinding tibok ng aking puso, hindi ko alam kung bakit damang-dama ko ngayon ang kaba. Hindi ko alam kung bakit nadadama ko ito.“Ako,” tinuro niya ang kanyang sarili. Ilang minute itong tumigil bago muling nagsalita. “Ako ang may dahilan kung bakit naaksidente si Rexier. Ako ang bumanga sa sasakyan niya, nalaman ko kasi ang ginawa ni Xyle sa akin, na ginamit niya lang ako para mapalapit muli kay Rexier, sa matinding emosyon na nararamdaman ko sa araw na ‘yun, hindi ko napigilan ang aking sarili. Nandilim ang paningin ko, hindi ko na kilala ang aking sarili, ni hindi ko nga akalain na magagawa kong saktan at binalak na patayin si Rexier.” Aniya, sa muli nanaman ay nagulat ako sa reabilasyon niya. Siya ang may dahilan kung bakit nawalan ng ala-ala si Rexier. Gusto ko man huwag paniwalaan ang kanyang mga sinasabi pero sa kanya na mismo nanggaling ang rebelasyon na ‘yun, sa bibig niya
Terakhir Diperbarui : 2025-09-15 Baca selengkapnya