Nasa loob na kami, iginaya ako ni Zulan sa magiging silid ko. Hindi naman madilim dito sa loob, may mga ilaw naman sa paligid, pero mukhang sumobra ang ilaw dito, sa sobrang pagka sobra hindi ko na makita ang anino ko. Hindi ko nga alam kung paano nagkailaw dito sa ibaba, puting-puti rin ang mga pader animo'y nasa mental hospital ang paligid. Hide out ba ito o kulungan ng mga baliw? Aalis na sana ni Zulan at iiwan ako pero pinigilan ko ito. Hinabol ko ang kanyang palapulsuhan na siyang nagpatigil sa kanya. Takang tinignan niya ako, dumako ang tingin niya sa aking palapulsuhan pabalik sa aking mukha. Kunot ang kanyang noo, animo'y nagtatanong ang mukha. "May kwento ka pa sa'kin na hindi mo natatapos," saad ko sa kanya, nakataas ang aking kilay, binabalaan siya na huwag akong kontrahin. 'Hindi ka makakatakas sa'kin basta usapang chismis' Ayan ang pinapahiwatig ng aking tingin. Gusto ko rin kasi malaman kung ano nga ba ang dahilan kung bakit pinatay nila ang kanilang
Последнее обновление : 2025-10-28 Читайте больше