Share

Chain Me, Author (SPG)
Chain Me, Author (SPG)
Author: Ensi

Simula

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-06-08 16:51:58

WARNING: This story contains mature theme and strong language that are not suitable for young readers. Read at your own risk.

Halos masuyod na ni Mari ang buong bayan ng Monaclaro pero wala pa rin siyang nahahanap na trabaho.

Napilitan siyang umalis sa dating pinagtatrabauhan dahil sa paninira ng mga kasamahan niya, hindi lang 'yon, muntik pa siyang gahásin ng kasama nilang lalaki kaya kahit anong gawin niyang paglimot sa nakaraan—ang traumang gusto na niyang ibaon sa limot ay bumabalik.

Pakiramdam niya hindi na niya kaya. Sukong-suko na siya pero sa tuwing naiisip niya ang mukha ng tiyahin niyang dragon at manyak nitong asawa ay hindi niya maatim.

Nabubuhayan siya ng loob at pinipili pa ring maghanap ng mapapasukang trabaho para lang hindi bumalik sa abusadong pamilya na tinakasan niya.

Kahit hirap at nawawalan ng pag-asa, isinasaip niyang hamon lang ito sa kanya na hindi niya dapat sukuan.

Sa pagod, nagpahinga muna siya sa maliit na tindahan habang pinapaypayan ang sarili.

Gustuhin man niyang uminom upang maibsan ang pagka-uhaw ay wala na siyang pera pambili.

"Ineng?" tawag sa kanya ng tindera. "Mag tubig ka. Mukhang pagod na pagod ka kakahanap ng trabaho. Kanina ko pa kasi napapansin na pabalik-balik ka rito. Alam mo sa panahon ngayon, kailangan may diploma o natapos ka para tanggapin ka sa trabaho."

"M-Masipag naman po ako," si Mari at tinanggap ang malamig na mineral water na inabot sa kanya ng babae. "Salamat ho dito."

"Masipag? Ipagpalagay natin na masipag ka nga pero hindi ba nagtatanong sila ng resumé? Hindi ba tinanong ka nila kung may natapos ka? Saka nakita ko no'ng nagdaang araw na nagtatrabaho ka sa karinderya ni Lucita. Anong nangyari? Pinaalis ka ba?"

Uminom muna ng tubig si Mari bago sagutin ang babae. "Umalis po ako eh."

"At bakit?" intrigang tanong ng ginang. "Nakikita ko namang ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Bakit ka umalis?"

"Sinisiraan po ako ng mga kasama ko," malungkot na sagot ni Mari. "Palagi naman po kaya palipat-lipat po ako ng trabaho."

Natahimik ang babae. "Gano'n ba?"

"Opo." Napayuko si Mari nang maalala na naman niya ang ginawa sa kanya ng lalaki nilang kasama.

Kung hindi pa dumating si Lucita sa oras na 'yon ay baka nagahasá na siya.

Pinagtulungan siya ng dalawa niyang kasamang babae na ikulong sa isang kwarto pagkatapos ay pinapasok ang lalaking palaging mainit ang mata sa kanya—sa madaling salita, pinagnanasaan siya.

No'ng oras na 'yon, kahit pinipilit siya ni Lucita na manatili ay pinili pa rin niyang umalis sa kadahilanang hindi magawang paalisin ng may-ari ang tatlo niyang kasama dahil kamaganak nito ang mga 'yon. Hindi na niya rin matiis ang paninira ng dalawang babae at pagiging abusado na halos lahat ng trabaho ay siya ang gumagawa.

Natakasan man niya ang pagpapahirap sa kanya ng tiyahin at asawa nito, pero doble naman ang pasakit na naranasan niya sa mga nakakasama niya sa trabaho.

Nang makapagpahinga at manumbalik ang lakas ni Mari, napagpasyahan niyang maghanap ulit ng trabaho kahit tirik na tirik ang araw.

"Salamat ho sa patubig," baling niya sa tindera at ngumiti. "Tutuloy na po—"

"Tatanggapin mo ba kahit anong trabaho?" biglang tanong ng matandang babae.

Hindi agad nakasagot si Mari at tila nag-aalinlangan pa sa isasagot niya kung marangal bang trabaho ang sinasabi nito.

"Gusto mo bang maging kasambahay? Iyon lang ang alam kong pwedeng i-alok sa'yo," wika ng babae at halos lumundag sa tuwa si Mari sa narinig. "Marunong ka naman siguro sa gawaing bahay? Magluto? Maglaba? Lahat?"

"Opo!" sabik na tugon ni Mari rito. "Kahit anong gawaing bahay, marunong po ako."

"Mabuti naman. Wala na pala akong problema. Hindi na kailangan turuan," bumubulong na sabi ng ginang. "Pero gusto kong ipaalam sa'yo na remote area 'yon na tanging mansyon lang ang nakatayo ro'n na kailangan mong pangalagaan."

Kumunot ang noo ni Mari. "W-Wala pong tao?"

"Nasa ibang bansa pa pero babalik sa susunod na linggo."

"Gano'n po ba? Okay lang po. Mabait naman po siguro ang amo ko." Pampalubag loob ni Mari sa sarili.

Mas pipiliin niyang sumugal at sumubok kahit hindi niya kilala ang amo, kaysa naman sa maging palaboy siya, na walang matinong pagkain at matitirahan.

"Depende, hija. Sundin mo lang ang gusto niya, wala kang magiging problema. Pero nasisiguro kong hindi abusado at hindi ka pahihirapan."

At sa sinabi ng babae, nakahinga siya ng maluwag at naging panatag ang loob.

"Tatanggapin ko po," malugod niyang sabi habang nakangiti ng malapad. "Maraming salamat po."

"Dito ka na magpalipas ng gabi nang makabiyahe tayo sa madaling araw," anang babae na may maliit na ngiti sa labi. "Tingin ko magkakasundo naman kayo."

"Sana nga po," si Mari na hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi at gusto nang yakapin ang ginang. "Gagawin ko po lahat para magustuhan niya ako nang magkasundo po kami."

"Mabuti naman kung gano'n. Hali ka sa loob nang makapagpahinga ka pa." Alok nito at agad na pumasok sa maliit na tindahan ng babae.

Hindi naman siya nakaramdam ng kung ano sa ginang, maging ang pag-alok niya rito kaya sa araw na 'yon, masaya siyang nakipagkwentuhan dito at tila nakahanap pa siya ng nanay-nanayan niya dahil sa sobrang bait nito.

Habang nagkkwentuhan, nagbigay ng maliit na impormasyon si Aling Lolita tungkol sa magiging amo niya kaya para kay Mari sapat na 'yon para makapag-adjust siya.

Pagsapit ng madaling araw, bumiyahe na sila patungo sa sinasabing lugar ni Aling Lolita at halos malula si Mari sa laki ng mansyon pagkababa nila ng kotse.

"Ito na po 'yon?" windang na tanong ni Mari, hindi makapaniwala. "Ang laki naman po nito."

The mansion was built in a gothic style. Halatang matagal nang walang tao dahil sa kalat at tuyong dahon na bumabalot sa bakuran.

"Oo, hija. Kaya mo bang linisin? Kasi kung ako ang tatanungin, aatras na ako." Natatawang saad ni Aling Lolita.

"Kaya ko naman po," kampanteng sagot ni Mari kahit mukhang aabutin siya ng dalawang araw kakalinis sa bakuran dahil sa kalat. "Sanay naman po ako."

"Sigurado ka ba, hija?"

"Oo naman po," nakangiting tugon ni Mari rito. "Papasok na po ba..." sabay silang napatingin sa paparating na sasakyan at napatitig nang pumarada 'yon sa tabi nila.

It was a limousine. Sa tanang buhay ni Mari, ngayon lang siya nakakita ng gano'ng sasakyan sa personal, mahaba at mukhang mamahalin.

Bahagya siyang napaatras nang bumukas ang pintuan ng driver's seat at lumabas ang lalaking nakaitim na tuxedo at pumaikot, at binuksan ang gitnang pintuan ng kotse.

Walang kurap na pinakatitigan ni Mari ang lalaking lumabas doon at kahit nakasuot ito ng mask, na-intimidate siya sa awra nito at napasabi na lang sa isip na, "gwapo 'to, sigurado."

"S-Sir! N-Nakabalik na po pala kayo." Nagkanda-utal na wika ni Aling Lolita na tila hindi inasahan ang pagdating ng amo.

Habang si Mari, nanatili siyang nakatitig sa lalaki at napalunok nang magtama ang tingin nila.

"And who are you?" biglang tanong ng lalaki. Pakiramdam tuloy ni Mari bumaliktad ang sikmura niya sa lamig at lalim ng boses ng amo niya. "I don't remember you having a daughter, Aling Lolita. An outsider?"

"Uh, Sir, kasambahay po," sagot ng ginang. "Hindi po ba nagpapahanap kayo ng kasambahay, eh ito na po siya."

Nanliit si Mari nang pasadahan siya ng tingin ng lalaki. Maayos naman ang suot niya at hindi naman siya pangit pero bakit parang hindi satisfied ang amo nito?

"Magaling ka ba?"

Napanganga si Mari sa tanong nito. "S-Saan po?"

"Just answer my question, whoever you are. Magaling ka ba?"

Mariing napalunok si Mari. "Opo, m-magaling po."

"You're hired."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
🩷🩷🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 46

    Hiyang-hiya ako sa nangyari. Siguradong nakita niya lahat. “Ano ba, Keaton!” halos maiyak kong sigaw at tinakpan ang sarili kong basang-basang gamit ang manipis na tuwalya. Pinaghahampas ko sa likod niya ang basang labahan na nadampot ko, hiyang-hiya at nanginginig sa lamig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Matagal na panahon na no'ng makita namin ang katawan ng isa't-isa. "Look, I was shocked. Kasalanan ko bang sumigaw ka? Nag-alala lang ako, Mari." At talagang pumihit pa siya paharap sa akin. “I said, turn around!” sigaw ko ulit habang pinapalo siya sa balikat, sa likod, kahit saan ko siya pwedeng mahampas na hinayaan lang din niya. "Hindi mo kailangang takpan, Mari, nakita ko na lahat sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" "Oh, you heard me, honey." "Bwisit ka!" Pero sa halip na mag-sorry siya, tinawanan lang niya ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, nagpipigil sa inis at baka masubsob ko siya sa kanal na 'to. “Keaton, bali

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 45

    Pagkatapos no’n, pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagtutupi ng mga nilabhang damit sa maliit na lamesa malapit sa bintana. Isa-isa kong inaayos ang mga ito, paboritong gawain ko ‘yon kapag gusto kong umiwas sa ingay o sa kung sino mang ayaw ko munang makausap. Aminado naman akong nakita ko na noon ang alaga ni Keaton pero matagal na 'yon! Hindi ko na halos maalala tapos 'yong kanina—ah! Parang tumatak na ulit sa isipan ko ang itsura! Bakit kasi ang laki? Mas humaba? Bwisit! Pero kahit anong iwas ko, tila tadhana na ang pilit na naglalapit sa amin. Naramdaman ko ang presensya ni Keaton na ngayon ay nakahilig sa pader. Hindi ko siya tiningnan agad. Nagpanggap akong busy, pero hindi ko napigilang mapalingon din. Bahagyang napamaang ang bibig ko sa nahagip ng mata ko. Nakasampay sa balikat niya ang puting tuwalya habang pinapatuyo ang basang buhok. At ewan ko ba kung bakit parang mas luminaw ang features niya, ‘yung matangos na ilong, matalim na panga, at seryosong mukha.

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 44

    Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman siguro ma-i-infect ang skin ko sa tubig?" tanong niya nang ilusong niya ang kamay sa rumaragasang tubig. Palihim akong napairap. Ang arte ha. "Eh di wag kang maligo!" Narinig kong tumawa siya ng

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 43

    Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 42

    Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina dahil kay Aling Lolita na panay biro. Si Keaton na hindi ko inaasahan na tumawa, nakikipagtawanan ngayon kaya hindi ko maiwasang magulat. Hindi siya ganito dati. Hindi tumatawa. Hindi rin nakikipag-kwentuhan pero sa nakikita ko, may nagbago. Malaking pagbabago. Matapos ko kasing tanggihan ang inalok niyang isaw, hindi na niya ako pinansin. Akala mo naman big deal. Nang mapatingin siya akin, agad akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkusot ng towel sa lababo. Huminga ako ng malalim— "Ay kabayo! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nalapit?" singhal ko kay Keaton nang lumapit na naman sa akin. "Where's your bathroom? I need to pee." Napairap ako. "Dyan sa labas. Covered naman yan at walang dumadaan. May bungkal dyan at rumaragasang tubig mula sa bundok kaya malinis. Dyan ka maghugas o kung anong gusto mo." "Oh, hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung may sumilip?" Natigilan ako. "Sumilip? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang dumadaan d

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 41

    Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I told you earlier,” mahina niyang sabi. “Can I taste that?” Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Yung isaw. Napangiwi ako. “Hindi pwede,” masungit na sagot ko habang nagbabanlaw pa rin ng ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status