Mari's POV
"You're hired," anang lalaki sa malamig na boses. "I'll be expecting you in my room to clean it." "M-Masusunod po, Sir." Sagot ko rito sa nanginginig na boses, halatang kinakabahan. Napalunok ako nang muli niya akong pasadahan ng tingin na para bang binabasa nito ang buo kong pagkatao. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano dahil mukha siyang strikto pero mas gusto ko naman 'to kaysa sa tiyahin kong abusàdo at asawa niyang manyâk. Nilihis ko ang tingin nang 'di ko na matagalan ang paninitig nito. Para akong nalulunod sa kulay kayumanggi niyang mga mata. "I expect you to be hardworking, not lazy. I didn't require you to submit a resume because it was Aling Lolita's choice, and I know her standards." Napalunok ako ng mariin sa sinabi nito. "H-Hindi po kayo magsisisi." "Really? Why stammering then?" Mapapasabak pa yata ako sa english. Eh limitado lang ang alam ko sa lengguwahe na 'yon. "Kayo na po ang humusga, Sir. Ipapakita ko na lang po ang gawain ko kaysa magsalita." Lakas loob kong sabi rito. "Kung sa tingin niyo po hindi ako magaling at tatamad-tamad, tanggalin niyo po ako sa trabaho." Pinagdaop ko ang nanlalamig na kamay at matapang na sinalubong ang paninitig nito sa akin. "Don't disappoint me. If you do, I'll punish you before leaving." Sandaling tumigil ang pagtibôk ng puso ko nang lampasan niya kami habang nakapamulsa. Sumunod sa kanya ang driver at no'ng makapasok na sila sa mansyon, doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. "Gano'n po ba talaga siya?" baling ko kay Aling Lolita na tahimik lang sa tabi ko. "Hindi naman, hija. Baka nanibago lang kasi dalaga ka eh, kaya gano'n ang naging pakitungo niya sa'yo. Madalas kasi may edad na 'yong nagiging kasambahay niya." Napatango na lang ako. Kaya naman pala. Baka nanibago lang at naninigurado. "Matanong ko lang po, ilang taon na po siya? Saka hindi niyo pa po nasasabi sa akin ang pangalan niya." "Ah, oo nga 'no? Thirty two na siya pero mukhang bata. Keaton ang pangalan niya pero mas maganda kung tawagin mo na lang na sir. Huwag na ang pangalan. Ayaw niya." "Gano'n po ba? Ba't po pala siya nakasuot ng mask?" "Iyan ang hindi ko masagot." Namilog sandali ang bibig ko. "Sige po." Mukhang napasobra ako ng tanong. Private yata ang usapin na 'yon. Pero sigurado ako, hindi 'yon pangit. "Pumasok na tayo. Dito na muna ako magpapalipas ng gabi nang matulungan kita sa paglilinis." Si Aling Lolita. Sumunod na lang ako sa kanya nang magsimula itong maglakad papuntang mansyon. Nang makapasok, sandali akong natigilan habang inililibot ang tingin sa lugar. Kung paano ako nawindang kanina sa labas, mas malala pa rito sa loob. Ang ganda! Lahat gawa sa gintong marmol, tapos may paikot na hagdan at naglalakihang chandelier sa kisame. "Wow!" Narinig ko ang mahinang tawa ni Aling Lolita. "Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko no'ng unang araw ko rito. Hali ka, ihahatid kita sa magiging kwarto mo. Saan mo gusto? Sa baba o sa taas? Sa taas si Sir K." Bumaling ako ng tingin sa kanya. "Saan po maganda? Iyong madali po niya akong makakausap kapag may i-u-utos." "Ah? Maganda kung dito ka na lang sa baba. Saka may intercom naman sa kwarto mo kaya madali ka niyang mautusan." Napakamot ako ng buhok. "Turuan niyo na lang po akong gamitin. Hindi po kasi ako maalam sa mga ganyan." Nginitian niya ako. "Walang problema hija." Binagtas namin ang isang pasilyo hanggang sa tumigil kami sa isang kwarto. Nang itulak niya ang pinto, tumambad sa amin ang malinis na silid na may iilang puting tela na nakatakip sa mga gamit. Tumuloy na kami sa loob at una kong napansin ang piano, sunod ang kama na tingin ko ay queen size, the rest hindi ko na alam. "Okay ka na ba rito?" baling sa akin ni Aling Lolita. "May isa pang kwarto pero walang kagamit-gamit." "Okay na po ako dito." Sabi ko habang tumitingin-tingin sa loob. "May garden po sa labas nitong kwarto?" "Ah, oo, pero pátay na ang mga bulaklak. Sa taas naman tayo? Para maging pamilyar ka sa mansyon." "Sige po!" sabik kong tugon, 'di na nakaramdam ng antok. Lumabas kami ng kwarto saka ako inilibot ni Aling Lolita sa mansyon. Hindi na namin namalayan ang oras at kahit si Aling Lolita ay nag-enjoy din sa paglilibot sa akin habang nagk-kwento. Ngunit no'ng tumapat kami sa isang pintuan, napatigil kami nang biglang bumukas 'yon. "Saan ka, Bernard? Uuwi na?" tanong ni Aling Lolita sa lalaki. Siya 'yong driver ni Sir Keaton. "Hindi. Mag-grocery lang. Bukas pa uwi ko. Siya nga pala, pinapatawag ka ni Sir K." Baling sa akin ng lalaki. "Ako? Ngayon na?" nagugulat kong tanong at hindi maiwasang makaramdam ng kaba. Kami lang dalawa? "Sige na hija. Pumasok ka na. Mag-aayos lang ako sa kusina." Paalam ni Aling Lolita. "Hali ka na sa baba, Bernard." Mariin akong napalunok. "Ah, s-sige po." Hinintay ko mo nang makababa sina Aling Lolita at Kuya Bernard bago humarap sa pintuan. Huminga ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses saka pumasok. "S-Sir?" mahinang tawag ko rito. Sa sobrang dilim ng kwarto, nangapa ako hanggang sa may napindot ako pader. "Ugh, the lights... turn it off." Tarantang pinatáy ko ang ilaw at napahawak sa dibdib. Pakiramdam ko tinakasan ako ng kaluluwa sa lalim ng boses niya. Napabuga na lamang ako ng hangin at mariing napapikit. Makakatagal naman siguro ako nito? Kahit binabalot na ako ng takot dahil sa amo ko? Kahit hindi ko siya nakikita, na-i-intimidate pa rin ako sa presensya niya. Nahagip ng mata ko kanina ang puti at lapad ng likod niya at nasisiguro kong nakadapa siya ng higa. "Clean the room,"striktong utos nito. "Walang dapat na maiwang alikabok." "O-Opo, Sir." Sagot ko na lang kahit hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko makita ng buo ang silid pero alam kong malawak. Malaki lang talaga 'yong kama niya. Tantya ko king size o mas malawak pa roon. Ang tangkad niya eh. Kung tingnan niya ako kanina, parang ang liit ko. Nakababa lang siya ng tingin sa akin. "Are you going to stand there?" Shiit! Ito na naman! Kumalabog na naman ang pusô ko sa kaba. "P-Po? Hindi po ako makakita kaya papaano po ako maglilinis?" "Stop stuttering. Natatakot ka ba? Do I look like a monster to you? Gano'n ba ako ka-intimidating?" Ay, aware siya? "Hindi naman po, Sir." Talagang tinuwid ko ang dila para makapagsalita ng deritso. "Good. Start cleaning. I'll observe." Magtatanong sana ako kung mangangapa na lang ba ako sa paglilinis pero dahan-dahang nagliwanag ang lampshade nito sa bedside table. Grabe. Kahit sa pagtulog, nakasuot pa rin siya ng mask? O baka dahil nandito ako kaya sinuot niya? Takot ba siyang makita ko ang mukha niya? "Baka iba pa ang makapa mo at tuklawin ka," rinig kong sabi niya kaya napaurong ako. Tuklawin? "S-Sir? N-Nananakot po kayo?" baling ko sa kanya at naaninag na nakasandal siya ngayon sa headboard ng kama. "Sa tingin mo?" pagsusungit niya. "Magsimula ka na bago pa magising at manuklaw 'tong alaga ko." "May alaga po kayo? A-Ahas? Makamandag po ba?" Hindi siya umimik. "Do you think I have time for that?" Kumunot ang noo ko. "Eh ano pong 'alaga' ang tinutukoy niyo?"Hiyang-hiya ako sa nangyari. Siguradong nakita niya lahat. “Ano ba, Keaton!” halos maiyak kong sigaw at tinakpan ang sarili kong basang-basang gamit ang manipis na tuwalya. Pinaghahampas ko sa likod niya ang basang labahan na nadampot ko, hiyang-hiya at nanginginig sa lamig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Matagal na panahon na no'ng makita namin ang katawan ng isa't-isa. "Look, I was shocked. Kasalanan ko bang sumigaw ka? Nag-alala lang ako, Mari." At talagang pumihit pa siya paharap sa akin. “I said, turn around!” sigaw ko ulit habang pinapalo siya sa balikat, sa likod, kahit saan ko siya pwedeng mahampas na hinayaan lang din niya. "Hindi mo kailangang takpan, Mari, nakita ko na lahat sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" "Oh, you heard me, honey." "Bwisit ka!" Pero sa halip na mag-sorry siya, tinawanan lang niya ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, nagpipigil sa inis at baka masubsob ko siya sa kanal na 'to. “Keaton, bali
Pagkatapos no’n, pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagtutupi ng mga nilabhang damit sa maliit na lamesa malapit sa bintana. Isa-isa kong inaayos ang mga ito, paboritong gawain ko ‘yon kapag gusto kong umiwas sa ingay o sa kung sino mang ayaw ko munang makausap. Aminado naman akong nakita ko na noon ang alaga ni Keaton pero matagal na 'yon! Hindi ko na halos maalala tapos 'yong kanina—ah! Parang tumatak na ulit sa isipan ko ang itsura! Bakit kasi ang laki? Mas humaba? Bwisit! Pero kahit anong iwas ko, tila tadhana na ang pilit na naglalapit sa amin. Naramdaman ko ang presensya ni Keaton na ngayon ay nakahilig sa pader. Hindi ko siya tiningnan agad. Nagpanggap akong busy, pero hindi ko napigilang mapalingon din. Bahagyang napamaang ang bibig ko sa nahagip ng mata ko. Nakasampay sa balikat niya ang puting tuwalya habang pinapatuyo ang basang buhok. At ewan ko ba kung bakit parang mas luminaw ang features niya, ‘yung matangos na ilong, matalim na panga, at seryosong mukha.
Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman siguro ma-i-infect ang skin ko sa tubig?" tanong niya nang ilusong niya ang kamay sa rumaragasang tubig. Palihim akong napairap. Ang arte ha. "Eh di wag kang maligo!" Narinig kong tumawa siya ng
Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina dahil kay Aling Lolita na panay biro. Si Keaton na hindi ko inaasahan na tumawa, nakikipagtawanan ngayon kaya hindi ko maiwasang magulat. Hindi siya ganito dati. Hindi tumatawa. Hindi rin nakikipag-kwentuhan pero sa nakikita ko, may nagbago. Malaking pagbabago. Matapos ko kasing tanggihan ang inalok niyang isaw, hindi na niya ako pinansin. Akala mo naman big deal. Nang mapatingin siya akin, agad akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkusot ng towel sa lababo. Huminga ako ng malalim— "Ay kabayo! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nalapit?" singhal ko kay Keaton nang lumapit na naman sa akin. "Where's your bathroom? I need to pee." Napairap ako. "Dyan sa labas. Covered naman yan at walang dumadaan. May bungkal dyan at rumaragasang tubig mula sa bundok kaya malinis. Dyan ka maghugas o kung anong gusto mo." "Oh, hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung may sumilip?" Natigilan ako. "Sumilip? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang dumadaan d
Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I told you earlier,” mahina niyang sabi. “Can I taste that?” Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Yung isaw. Napangiwi ako. “Hindi pwede,” masungit na sagot ko habang nagbabanlaw pa rin ng ri